Chapter 13

5 0 0
                                    

Chapter 13

Hindi ko sinagot si Oliver at bumalik sa loob ng condo. Nagpaalam na din si Oliver kay Claudia at tango lamang ang naisagot nito dahil sa wala ito sa mood. Bago siya lumabas at tinignan niya muna ako.

Pumasok ako sa kwarto kung saan kami nags'stay. Sinundan ako ni Gia. Sinirado niya ang pinto at hinarap ako.

"What happened?" tanong niya agad.

"What?" balik tanong ko rin. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba.

"You and Oliver at the terrace. Like duh, wag mo akong gawing tanga," may pa erap pa ang babaeng 'to.

So I decided to tell her nalang since sobrang kulit niya. Hindi niya ko titigilan hanggat hindi ko sasabihin. Ganun siyang kaibigan.

"Sinabi niya sakin ang nararamdaman niya," hindi ako makatingin kay Gia.

"Omg! Talaga?" nakikita ko sa mukha niya ang kilig.

"Hmm," sagot ko.

"Bakit ganiyan ang reaction mo?" taka niyang tanong.

"Should I be happy?" balik tanong ko rin.

"Gurl, that's Oliver James Dela Vega! Everyone's ideal type."

"I know, it's just that I'm scared," matamlay kong sagot.

"Of what?"

"Love."

"Celine, move on! Hindi lahat ng lalaki na mamahalin mo ay kagaya ni Edward!"

"Alam ko."

"Alam mo naman pala, eh" umerap pa siya.

Mabilis ang takbo ng oras at nang nag 6 pm na ay napagpasyahan na namin ni Gia na umuwi. Medyo naging okay naman na si Claudia. Well, ganiyan talaga wala ka namang choice kung hindi maging okay.

"Bye Clau, ingat ka dito ha."

Lumabas na kami at pumunta sa parking lot. I open the driver seat habang si Gia ay sa kabila.

"Hanap tayo ng masusuot bukas or kay Mommy nalang tayo?" Gia asked.

"Sabihin mo sa Mommy mo if meron ba siya nung isusuot natin."

" Okay."

Hinatid ko si Gia sa kanila. Buti nalang hindi ganon ka traffic ngayon dahil weekend. Nagpark ako sa tapat ng bahay nila.

"Papasok ka?" tanong ni Gia.

"Hindi nalang baka hinahanap nako nila Daddy. See you tomorrow."

"See you, babe, ingat."

Nagdrive nako pauwi. Nang dumating ako sa bahay ay nakita kong nagluluto sila Mommy, si kuya naman ay nanonood ng tv at si Daddy naman feel ko nasa taas pa.

"Hi," bati ko.

"Oh? Hindi ka pala umuwi kahapon?" takang tanong ni Kuya.

"Really, Kuya? Hindi mo nakita na wala ako kahapon," napairap ako at ngumiti.

"Well, I'm so busy and tired kaya I didn't realize na wala ka dito."

"Hi, honey!" bati ni Mommy.

"Hello, Mommy, si Dad?"

"Upstairs, nagbibihis kasi kakarating niya lang."

"Hindi sumama si Kuya?" tanong ko. Kasi usually sila naman ni Dad palagi magkasam for business kaya nagtataka ako dahil nandoon lang si Kuya sa sala na parang kanina pa siya dumating.

Scared of LoveWhere stories live. Discover now