Chapter 5

10 3 0
                                    

Maagang akong nagising ngayon and thanks to my alarm clock dahil ayaw ko talagang malate. My class starts at 9:40 am and it's still 7:00 am. Tapos nakong magshower ay nandito nako ngayon sa walk in closet ko at nag iisip kung ano ang susuotin ko.

After a couple of minutes nakapagdecide narin ako kung ano ang susuotin ko. So I decided to wear a black high waisted jeans and for the top I'm wearing a grayish turtleneck sweater. I partnered it with black boots. Kinuha ko na ang aking black na backpack at nilagay doon ang aking wallet at charger.

Backpack na talaga yung gamit ko kasi medyo may dinadala na din akong mga libro. Nagdadala rin ako ng Ipad para doon mag take ng mga notes kasi mas mabilis gamitin don and lahat ng needed ko na files is nandoon na siya para hindi nako mahirapan. Ayaw kong dalhin yung laptop ko sa bahay dahil medyo hassle and mabigat while itong Ipad ko ay sobrang gaan dahil manipis at may cute na keyboard na siya kaya hindi ako nahihirapan. Marami kaming libro pero yung iba nasa locker ko at yung mga dinadala ko is yung need kong gawin sa bahay na mga homeworks.

Pumasok ulit ako sa walk in closet ko para ayusin ang buhok ko. Sinusuklay suklay ko muna ang aking long wavy brown hair. After I comb my hair tinali ko ito para hindi sagabal sa mukha ko. Pagkatapos ay naglagay nako ng konting make up sa mukha and I'm ready to go.

Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Umalis na pala kanina sa Daddy dahil may maaga daw siyang meeting habang si Kuya naman ay natutulog pa dahil mamayang 11 pa ang klase niya. Yung nanay ko naman hindi ko mahagilap at sigurado akong naghahanda kasama si tita Roseanne para sa dinner namin kasama sila Gia. I checked my phone kung anong oras na and it's 8:50 am. Kumuha ako ng cereal sa ref at nilagay sa bowl at nilagyan ng gatas. The usual breakfast of mine.

Pagkatapos kong kumain ay napabuntong hininga ako ng kinuha ko ang susi ng BMW ko. Wala si Kuya Manuel at alam kong nagpapasama si Mommy sa kaniya at hindi ko naman pwdeng gisingin si Kuya dahil nakakaawa naman so I decided to drive on my own. It's been 8 months since last na nagdrive ako ng sasakyan dahil after that incident mas pinipili ko nalang magpahatid. Inistart ko ang engine ng sasakyan ko at nagdrive na. Buti nalang kahit hindi ko nato nagagamit ay inaalagan parin ng maayos ni Kuya Manuel. Buti rin at hindi ako nahirapan magdrive ngayon.

Nagpark ako sa Starbucks para umorder ng coffee. Pagkatapos ay nagdrive nako papuntang school. After 5 minutes ay narating ko rin ang CEU at nagpark na. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ng sasakyan. I saw a Ford parked beside my car and I knew it's Oliver's car. Lumabas siya sa kaniyang sasakyan at lumapit sakin.

"Hey goodmorning!" masiglang bati niya sakin.

"Goodmorning!" bati ko rin.

"Ikaw yata ang nagdrive ngayon?" pansin niya habang tinitignan ang aking sasakyan

"Oo, kasi yung driver namin isinama ni Mommy sa lakad niya kaya ako nalang yung nagdrive" sabi ko.

"Ngayon lang ata kitang nakitang nagdrive mag isa" he said.

"Yeah something bad happened kaya mas pinipili kong magpahatid sa driver namin. Sige una nako baka malate pako" kaway ko sa kaniya at tumalikod na. Mabilis akong naglakad para di niya ako maabotan. Natatakot akong tanongin niya ako tungkol don.

Pagkadating ko sa room ay wala pa ang prof namin pero nandito na si Claudia. Naglalaro ng online games sa kaniyang cellphone.

"Hey," bati ko.

Tumingin siya sakin at binalik ang tingin sa kaniyang cellphone.

"Oy," bati niya rin sakin.

Hinayaan ko muna siyang maglaro at nilabas ang libro at Ipad ko para mag aral dahil may exam kami ngayon sa Bio Psych.

Scared of LoveWhere stories live. Discover now