Chapter 3

11 3 0
                                    

Maaga akong umalis sa bahay dahil baka malate ako sa traffic dahil pasukan na. Pumunta muna ako sa isang coffee shop near my school before pumasok. Dahil medyo maaga pa I decided to go to the cafeteria para kumain ng lasagna. Hindi kasi ako masyadong kumain kanina sa bahay dahil ayaw ko talagang malate.

Pumasok ako sa cafeteria at dumeritso sa nagtitinda ng lasagna. Favorite ko rin kasi to aside sa cookies and chocolates. Umupo nako sa bakanteng upuan na nasa gilid. Hindi pa ganun ka rami ang estudyante dahil medyo maaga pa talaga. Hindi ko na rin tinext si Gia dahil palagi yung late gumising.

Tahimik akong kumakain ng lasagna nang biglang may umupo sa harap ko. Napaangat ako ng tingin para tignan yun. Nakita ko ang pagmumukha ni Oliver. Ang fresh niyang tignan at amoy na amoy ko na naman ang pabango niya. Napakunot ang noo ko nang dahil sa lalim ng mga titig niya. Anong problema ng isang to?

"What?" napataas ang kilay ko.

"Pahinge," cute niyang sabi.

Srsly??

"Ng ano? Lasagna or Coffee? Pero bakit kaba nanghihinge just buy your own food" I said.

Bakit ba to nanghihinge sakin? Hindi nga ako nakakain ng maayos kanina tapos manghihinge pa siya. Bibigyan ko naman pag may manghinge sakin ng something pero it's just that kaya niya naman bumili.

Tumayo siya at umalis bigla and I thought na umalis na talaga siya dito sa cafeteria kaso mga limang minuto ang lumipas may naglapag ng isang tray na may lasagna and coffee sa table ko. Nag angat ako ng tingin pero di ko nalang siya pinansin. Nang malapit ko ng maubos ang pagkain ko tska pa siya nagsalita.

"Ang aga mo yata?" he asked me.

"Ayaw ko kasing malate," tipid kong sagot.

"Same," ikling sabi ni Oliver.

"Paano mo nakuha ang number ko sa pagkakaalala ko hindi ko binigay yun sayo," I asked nang naalala ko yung text niya kahapon.

"Ah yes, hiningi ko kay Gia nung paglabas natin sa cafeteria kahapon," he explained.

"Ahh okay," ikli kong sabi.

Pagkatapos naming kumain hinatid ako ni Oliver sa building namin, kanina nagpumilit pa siya na hanggang sa room niya talaga ako ihahatid buti napilit ko na hanggang sa tapat ng building lang namin kahit anong sabihin ko na kaya ko naman. Ayaw kong magpahatid kasi ang layo pa ng room ko nasa 7th floor baka malate siya at ayaw ko ring abalahin siya na ihatid ako dahil kaya ko naman maglakad kahit dahilan niya pa na mamaya pa daw ang klase niya.

"Oh nandito na tayo so you can go already," sabi ko sa kaniya. Ayaw kong magpahatid sa room dahil baka ano pang sabihin ng ibang tao medyo sikat panaman siya.

"Sa room mo nalang," kulit niyang sabi. Ang kulit talaga nitong lalaking to.

"Isa," pagalit kong sabi.

"Sabi ko nga dito nalang," suko niyang sabi. Buti naman akala ko pag aawayan pa namin to.

"Sige papasok nako," tumalikod nako at nagsimulang maglakad papasok ng building nang tawagin niya ko.

"Celine," tawag niya.

Lumingon ako sakanya. "Oh?"

"Ingat," ngiti niyang sabi at tumalikod na.

Nakangiti akong pumunta sa elevator. Buti nalang maaga ako kaya wala pang mga estudyanteng nakapila dito. Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ko ang 7. Wala kasi ang nag ooperate ngayon dito baka mamaya pa si ate girl. Nang nasa 7th floor nako ay bumukas na ang elevator at lumabas ako at naglakad papuntang room.

Scared of LoveWhere stories live. Discover now