Chapter 10

4 1 0
                                    

Parang biglang huminto ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Ang sinasabi niya ba ay gusto niya ako? Hindi ako rin ako makapaniwala.

"Hoy, Celine!" untag niya sakin.

"A-Anong s-sabi mo?" tanong ko.

"Gusto kita," seryoso niyang sagot. Nagkatitigan kaming dalawa. Para ang natunaw sa mga titig niya sakin. Kitang-kita ko ang sincere niyang mga mata.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit?" nalilito niyang sagot.

"Bakit ako?" I asked.

"Bakit hindi ikaw?" balik tanong niha naman.

Bakit nga ba hindi ako? Dahil sa mga nangyari noon parang nawala bigla yung halaga ko bilang isang tao. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya nagawang magcheat ni Edward dahil hindi ako enough as a person. Parang may kulang sakin na hindi ko alam kong ano. Hindi ako perpektong girlfriend. Hindi ko siya nagawang pasayahin dahil kung nagawa ko man bakit naghanap parin siya ng iba?

"Hindi ako worth it na gustohin mo, Oliver."

"Paano mo nasabi ang mga iyan? Celine," he replied.

"Hindi mo ko naiintindihan!"

Magsasalita na sana siya kaso dumating na ang mga inorder namin. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Wala akong planong magsalita dahil natatakot ako sa mga sasabihin niya.

Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na si Oliver. Magbabayad na sana ako kaso naunahan niya ko. Tumayo na kaming dalawa at lumabas.

"Uuwi nako," sabi ko.

"Ha? Akala ko bibili tayo ng milktea," tanong niya.

"Gusto ko ng umuwi," sabi ko.

"S-Sige," sagot niya.

Pumunta na kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kaniyang Ford. Pumasok nako sa loob at nagdrive na rin si Oliver. Sobrang tahimik namin sa loob ng sasakyang nang biglang nagsalita si Oliver.

"C-Celine," tawag niya sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"May nasabi ba akong masama sayo?" tanong niya.

"Wala naman," sagot ko.

"Bakit ka nagkakaganyan?" tanong niya.

"Pagod lang ako."

Dumating kami sa bahay ata agad akong lumabas. Lumabas rin sa sasakyan si Oliver.

"Salamat sa paghatid," I said. "Sige umuwi kana at baka umulan na naman."

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng tinawag niya ko.

"Celine."

"Hmm?" napalingon ako.

"Kung may nasabi man ako sayong nakakasakit, sorry."

"Wala kang sinabing nakakasakit. Umuwi kana Oliver at papasok nako sa loob," sabi ko.

"Pasok ka muna tsaka ako aalis," sagot niya kaya naman ay tumalikod nako at pumasok sa loob. Sinirado ko ang gate at narinig ko ang paalis na sasakyan ni Oliver. Napasandal ako sa likod ng gate at huminga ng malalim.

Pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay. Nakita kong nanonood ng tv sila Mommy at Daddy sa sala. Lumingon sila sakin. Lumapit ako at nagmano.

"Oh? You're here?" parang nagulat pa si Mommy.

"How's your study?" Dad asked.

"Fine."

"Are you okay?" Mom asked.

Scared of LoveWhere stories live. Discover now