9ᵀᴴ ᏟᎻᎪᏢᎢᎬᎡ

19 8 3
                                    

'Something weird'

Clarissa's Pov

"Pa, Ma mag-iingat kayo ah" naiiyak na sabi ko

'tss napakaiyakin ko naman'

"Saka pasalubong namin ha don't forget" naiiyak rin na sabi ni Anton

'takaw talaga'

"Ikaw talaga" natatawang sabi ko kay Anton

"Hay mamimiss ko kayo" nakangiting sabi ni Papa habang parehas na pinipispis ang ulo namin ni Anton

"Kami rin po" nakangiting sabi ko

"GROUP HUG!!!" sigaw naman ni Anton

At nagyakap nga kami pero hindi sumama si Mama.

Tss arte

Matapos nun ay kumalas kami sa yakap ay umalis na si Mama at Papa.

Kumaway lang sa amin si Papa si Mama naman ay inakbayan lang ni Papa.

'i will miss them'

Nilingon ko naman si Anton bagaman ay may luha siya ay pinupunasan niya yun habang nakangiting kumakaway kay Papa at Mama.

"Tara" nakangiting sabi ko

Tango lang ang sinagot niya sa akin.

Kasabay ng pag-alis ni Papa ay ang paglisan namin sa airport.

Sumakay muli kami sa taxi

Ginamit naming pambayad ay ang natitira pa naming pera.

Nang makauwi kami ay agad kaming naligo at nagmadali.

Tss malelate lang naman kami

"Uyy Tonton, makapagsabi ka ikaw din naman, bilisan mo na nga diyan tss para kang babaeng payat na makupad" naiinis na sabi ko

At lumabas naman siya tss proud pa talaga siyang ipakita yung katawan niyang buto-buto naman

Tss makupad talaga

"Eto na" nakangiting sabi niya habang nakapamewang.

"Tss tabi buto-buto" inis na sabi ko, winahi siya at pumasok ako ng CR.

For sure tatalak pa yan

"Hoy ate makapagsabi ka ahh kapag ako nag-gym  who you  ka sakin" mayabang na sabi niya

'sige lang tss'

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako.

Second day of school

Magiging ok pa ba kami ni Marco?

Sana Oo kasi nag-aalala na ako sa kanya ehhh

"Ate dyan ka nalang ba?" nainis naman ako bigla ng umepal si Tonton sa moment ko dito sa salamin.

"Ikaw talaga syempre hindi tss tara na nga lang" natatawang sabi ko

Nang makalabas kami ng bahay ay nilock ko ang bahay naman just for safety noh'?

"Ay ate ang problema nga lang..." kinakabahan na sabi niya

"Anong problema?" pagtatanong ko naman

"Ang problema kasi ay wala tayong masasakyan" kamot ulong sabi niya

"Oo nga noh? pano na yan...." nawawalan na ng pag-asang sabi ko

At biglang may napakagarang sasakyan ang huminto sa harapan ng bahay namin.

Bear with meWhere stories live. Discover now