7ᵀᴴ ᏟᎻᎪᏢᎢᎬᎡ

26 8 11
                                    

'Say that you love me'

Clarissa's Pov

Isang napakagandang umaga para sa akin

Nagising ako dahil sa sarili ko ewan ko ba pero basta masaya ako ngayon.

Kaya bumaba na ako para syempre kumain

"Wow ate ang aga mong gumising ahh..." namanghang sabi sa akin ni Clayton pero may kasamang biro ang tono.

Hayss minsan asar ako dito ehh

Kaya sa halip na tugunan ko sya ay nilampasan ko lang sya.

Nevermind  na sabi ko na lang sa isip ko

Paano ba naman ang saya ko ngayon tapos iinisin nya lang ako syempre hindi dapat ako magpaapekto

Bahala sya

"Ayy suplada" nasabi na lang nya

Naglinga-linga ako sa lamesa at sa paligid kung meron bang makakain

Haysss wala pa pala

Hindi nagluto si Mama?

Kaya sa halip na kumain ako ay kumuha na lang ako ng Milo

At tinipla yun

Matapos kong magawa yun ay inamoy-amoy ko pa muna gamit ang kamay ko na paikot-ikot at idinidikit sa ilong ko.

Hmmmm ang bango

Ewan ko ba pero lagi ko yung ginagawa kapag nagkakape ako lalo na kapag milo kasi favorite ko yun ehh chocolate.

Umupo na ako at kumuha ng pandesal sa plastic na nakapatong sa lamesa.

At itinaas ang kanang hita

Ohh di ba?

Tombuyin ang style ko HAHAHA

Kagaya ng aking nakasanayan ay isinawsaw ko ang pandesal sa kape ko.

Only Filipino Knows HAHA

"Ahm ate"

"Ayy butiki!!!" gulat kong usal

"Hahaha laughtrip itsura mo ate" tawa-tawa nyang sabi

Sa totoo lang ay nawala sya sa isip ko ang presensiya niya kaya hindi ko akalaing bigla-bigla lang syang iimik

Kainis talaga siya ket kelan

Alam pa naman din nyang magugulatin ako

"Kainis ka Tonton ano bang sasabihin mo sabihin mo na nga!!!!" nanggigigil kong usal

"Itatanong ko lang sana kung alam mo kung asan si Mama at Papa?" seryosong sabi niya

-_-# GAGO BA SYA?

Alam naman niyang kagigising at kababangon ko lang di ba? At saka mas nauna syang gumising kaya dapat mas alam niya yun.

Kainis talaga siya Haysss

"bakit akong tinatanong mo?" inis na sabi ko

"kasi hindi ko alam kaya nga nagtatanong ako sayo ehh" sabi nya na may senseridad

Bakit sa puntong ito parang mas matanda pa sya

Saka Oo nga nohh? Parang wala nga si Mama at Papa dito ahh

Pero bakit kaya?

Clayton's Pov

Bakit ba hindi na lang sagutin ni ate Tss

Nagtatanong lang naman ako ehh

"Hin-di-ko-a-lam-ehh" sabi nya na nag-iisip

Bakit kailangan niyang magsalita na parang robot pahinto hinto pa

Bear with meWhere stories live. Discover now