The 1st (First) ᏟᎻᎪᏢᎢᎬᎡ

99 10 3
                                    

Kelly Vin Point of view
The drunk guy is getting on my nerves.

KALMADO akong naglilinis dito sa Restaurant bilang trabahador, matagal tagal na rin akong nagtratrabaho sa Restaurant na ito.

Kung sakaling susubukan 'kong bilangin ay paniguradong mahihirapan lamang ako.

Medyo, maayos naman, mapayapa at maganda ang simo'y ng hangin dito. Dahil 'yon sa pinaghalo-halong amoy ng pabango ng buong lugar at dahil na rin sa napakaperpektong rehistro ng hangin na siyang dulot ng maraming puno na namumuhay sa paligid ng buong lugar sa Restaurant.

Napakatagal, bago ako makahanap ng trabaho. Inisip ko ng mga oras na 'yun na sumuko na lamang at mawalan ng pag-asa pero kapag ginawa 'ko naman 'yun ay wala na ako ngayon sa mundong ito dahil sa kagutuman tsk.

At may isang taong nagpabago ng desisyon ko.

"Aba ayos! mukhang ang lalim ng iniisip natin diyan ah."

Napalingon naman ako sa nilalang na nagsabi non.

Sino ang nilalang na 'to?

"Ohh bakit? Mali ba ang sinabi ko?" Tanong niya pang muli. Mukhang nakahalata sa reaksyon ko.

"Magkaiba ang mali, sa naninibago." malumay na sabi ko, itinatago ang inis sa kausap.

Bakit ba napakarami na ngayon ang feeling close? Hindi na nga kami magkakilala, ang tingin niya pa magtropa kami. Lakas ah, ng Amats niya.

"Ano? Pero 'kung sa bagay, may point ka haha." Baliw niyang sabi.

Napahinto ako sa pagpupunas ng lamesa nang maamoy ko ang alak na nagmula sa hininga niya.

Kaya naman pala malakas ang loob ng hangal e.

Nang binalak 'kong saktan siya ay nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at ipinatong sa lamesang nililinisan ko ang napakalaking halaga na sadyang hindi ko man lang inasahang meron siya nito.

"Yan ang bayad ko." Pauga-uga niyang sabi at saka tinapik ang balikat ko.

"Hanggang sa muli aking kaibigan." Seryosong sambit niya at mabagal na tila nangangapa sa daan ay lumabas ng lugar habang kumakaway-kaway, lumingon pa sa akin ng nakangiti at tuluyang umalis ng resto.

He's fucking full of damn weirdness, and super duper freaking crazyness tss.

"Ohh ano? Ayos ka lang? Sino 'yun ah? Bagong kaibigan mo? 'Yun na ba pamalit mo sa'kin? Ang panget naman ng taste mo sa mukhang sanggano pa amp." Agad 'kong pinatapos siya sa kadaldalan niya. Mahirap talagang pigilan ang boses niya.

Why is he talking so much, like that?

"Can you shut up, your damn mouth? Tapos na 'kong makinig sa isang werdong baliw, kaya ikaw 'wag ka ng gumaya pa tss." Agad kong iniba ang usapan.

Ayokong pag-usapan namin ang weirdong lalaki na 'yon, at 'yung pagiging baliw na may pagkasiraulo nun tss.

Bear with meNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ