Chapter Sixteen

31 3 0
                                    

"Are you enjoying your meal?" Pangungumusta sa akin ni Alek na nasa harapan ko.

I gritted my teeth and smiled as I tightly gripped my hold of the meat knife and the fork on my hands.

Akala ko ay nagtapos na ang stress ko simula kahapon dahil naipasa ko na lahat ng testpapers at end na ng first semester ngunit hindi ko alam na may pahabol pa palang stress. And it was brought by this man in front of me.

I wanted to reprimand him, but I thought thoroughly that this is not the right place to do that. Masisira ang romantic ambience.

Kahit na nawalan na ako ng gana na kainin ang mga naka-serve, pinilit ko pa rin na lunukin iyon dahil nasasayangan ako. The cheerful look on his face also made me think twice to tell him the truth right now.

Maybe later.

"Can we make it simpler if we decided to go out again?" Iyon agad ang request ko nang makalabas kami sa restaurant na pinagdalhan niya sa akin.

I asked him to stop walking. Ayokong mag-usap kami sa loob ng van dahil nandoon si Kuya Lito. Nakakahiya dahil baka mag-away kami doon.

"Ain't it simple?" Nakakunot ang noo ni Alek na para bang simple lang naman talaga ang ginawa niya.

I checked his face twice to see if he's fooling around, but all I see in his face was confusion.

Ridiculous. Utterly ridiculous.

Napa-face palm na lang ako sa harapan niya. It shouldn't be that way, but I forgot that Alek's way of choosing will always be grant. Laging kung ano ang mahal ang pipiliin niya.

I sighed, trying to find the remains of my thin patience. "Alek, can I ask how much did you pay for that three-course meal?"

He opened his mouth but before he could answer, ako na ang sumagot sa sarili kong tanong. "More than a thousand, right?"

Napipilitan siyang tumango. "You didn't enjoy it?"

Pinilit kong ngumiti. Iyong ngiti na pambata at hindi pa nila alam ngumiti talaga nang natural. "You think I'm enjoying?"

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang nag-enjoy ako sa date namin kanina. How can I enjoy a meal when its amount could suffice a half-week grocery? Hindi ko kayang i-enjoy ang pagkain kung nasasayangan ako. Wala lang iyon sa kanya pero sa akin, big deal iyon. Lalo na at galing ako sa low-middle income family.

Hindi ko yata ma-a-appreciate iyon hangga't hindi pa ako nagtratrabaho at kumikita ng sarili kong pera.

Ngayon ay nag-iisip ako kung pera ba ng magulang niya ang pinanggamit niya para sa pambayad doon sa resto. What if tanungin nila si Alek kung saan niya ginamit ang pera?

I pulled my hair out of frustration. What if sumagot si Alek? What if isipin nila na bad influence ako at pinaggagastusan lang si Alek?!

I am going frantic when Alek's hand clasped mine. Dahan-dahan akong kumalma kahit papaano at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang kamay ko.

I slowly lifted my eyes on him. "Sorry," he softly said. "I didn't mean for you to feel that way."

Ilang sandali rin nagtagal ang tingin ko sa kanya bago bumuntong hininga. Paano ko magagawang mainis nang matagal sa kanya kung ganito kaamo ang pagmumukha niya?

Pasimple kong tinanggal sa pagkakahawak niya ang kamay ko at pinagkrus ang braso ko. "Next time, ako ang magbabayad ng pagkain natin."

"Why does it have to be that way?" Halatang-halata sa boses niya ang pagtutol. Ni hindi man lang siya nag-effort na itago iyon.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Where stories live. Discover now