Chapter Thirty One

11 3 0
                                    

He's mad.

He's definitely mad.

Malamang, tangina. If he's worried, he'll certainly go straight here and know my condition but he didn't. Malamang pinangunahan ng galit iyon.

Hindi ko na ginulo pa si Alek at hinayaan siyang magpalamig ng ulo. I stop myself from getting up from my bed and checking my phone from time to time and just forced myself to rest and sleep.

Kung pagtutuunan ko ng pansin ang paggaling, mas mapapabilis ang tyansang makausap ko siya at makipag-ayos. Isa pa,  naririndi na rin ako sa pagtalak ni Reva kada mahuhuli  niya akong tumatayo sa kama. Sumasakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon nang hinampas niya ako ng sandok dahil sa katigasan ng ulo ko kaya hindi na ako nagtangka pang gumawa ng kahit anong ikasasakit ng ulo niya. Dahil kung nagkataon, ako ang sasakit ang ulo.

Hindi ko na rin talaga machecheck kung may message ba para sa akin si Alek dahil cinonfiscate ni Reva ang phone ko. I just want to protest against her action and appeal if it's right for her to do that like I am still a child. Of course, I didn't do that. I'm afraid she'll add another bump on my forehead.

Ang ginawa ko na lang talaga buong hapon ay matulog dahil wala naman akong magagawa. Reva confiscated my phone and right now, I don't have any reason to do anything. Ang nagawa ko lang ay matulog at magtanim ng sama ng loob paggising ko.

Bumabalik lang dito si Reva para i-check ng sitwasyon ko, hindi dahil may nag-message sa akin. Ibig sabihin ay wala talaga akong nakuhang kahit anong reply kay Alek kahit na halos buong araw akong in-active.

Alam kong masama ang loob niya sa akin at hindi ko na dapat dagdagan iyon. But still, mas lamang ba ang galit niya sa akin kaysa sa pag-aalala? I even told him that I am sick and yet I couldn't even feel a bit of sympathy from him. Even a single message will suffice, you know.

🌻🌻🌻

It took me three days before I can be well again. Wala namang problema sa kumpanya dahil naipagpaalam ko na ang tungkol sa kalagayan ko noong simula pa.

Ang prinoproblema ko na lang ngayon ay si Alek na wala pa ring paramdam.

Even though I can start to work again today, I decided to go to his father's company and meet him. My knees wobbled as I enter the building's vicinity. Hindi ko alam kung may mapapala ba ako sa pagpunta ko dito. Sana lang ay kitain niya ako. I just wish that he has a wide understanding about that happened before, why I didn't attend the date.

I nervously tapped my foot on the floor after I pressed the button on the elevator and waiting for it to open up. Habang naghihintay ay nagkataon naman na nagkasalubong kami ni Tito Herald, daddy ni Alek. I secretly glanced at my wristwatch. Hindi naman na gaanong maaga pero ngayon pa lang siya papasok. Maybe this is his usual time of arrival as the chief executive.

Tumango ako at ngumiti bilang pagbati sa kanya. "Good morning, Tito." Tumango rin ako sa bodyguard na kasama niya. It would be weird and disrespectful kung hindi ko papansinin ang kasama niya.

Tito, as always, never fail to show me his warm and best smile. "Good morning, hija. Why are you here?"

"Makikipagkita po ako kay Alek," tipid kong sabi.

"Bakit kailangan mo pang pumunta dito?" Takang tanong niya. Hindi naman ako nagsalita pa at ngumiti na lang. I don't want to taint his son's image to him. Kasi kahit anong gawin ko, alam kong ako ang nagkamali. Nakalimutan ko si Alek bigla. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon