KABANATA 6- TOO LATE

206 41 21
                                    

Kabanata 6
Kahit Hindi Na ako
#KHNA
LovieNot


"Concern lang ako sa mga taong pabaya sa sarili nila. Tingnan mo nga 'yang katawan mo, buto't-balat ka na lang," dagdag niya pa. Pumasok kami sa kitchen at sapilitan niya pa akong pinaupo.

Bwiset talaga! Hindi ko alam kung saan ako aangal, sa sinabi niya bang hindi niya na ako gusto o sa panlalait niya sa katawan ko.

"I-m sexy, duh? Makalait ka naman ay wagas. Mas kalansay pa nga ang katawan ni Marie kaysa sa akin eh."

"What's kalansay?"

Skeletal, kugtong ka!

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang bigat ng pakiramdam ko, gusto kong umiyak pero paano? Eh nandito ako sa lungga niya eh.

"What's kalansay nga?" pangungulit niya. Nagsuot siya ng apron habang naghihintay ng sagot sa kanyang katanungan.

Sinong hindi magkakagusto sa taong ito? Eh kahit yata basahan ang ipasuot sa kanya ay litaw pa rin ang kagwapohan.

Sa sobrang gwapo niya, ang sarap niyang isako at iuwi ng Masbate. Nakakairita nga lang ang ugali niya. Insensitive! Sarap papakin ng buhay eh.

"Tumutulo na 'yang laway mo," aniya pa, ngali-ngali ko namang pinunasan ang bibig ko. Humahagalpak siya ng tawa, tsaka ko palang naisip ang kabaliwang ginawa ko. Napapikit na lang ako dahil sa pinaghalong inis at hiya.

"Pinagnanasaan mo ba ako Leigh?" Natigilan naman ako. Ito na talaga, first time niya akong tinawag gamit ang palayaw ko.

"Leigh? Close ba tayo?" nakataas-kilay kong tanong.

"Hindi pa ba? Kaya ka nga nasa unit ko ngayon kasi magkaibigan na tayo eh, kaya rin ako concern sayo kasi kaibigan na rin ang turing ko sayo."

Muli na namang binundol ang dibdib ko..Tinu-torture na talaga ako ng lalaking ito, nakakainis! Kaibigan? Ha! Kaibigan na lang pala talaga ang tingin niya sa akin? Okay. It's fine.

No, it's not fine Carleigh! Gusto mo siya tapos kaibigan lang pala ang tingin niya sayo?

Kaya pala concern siya sa akin. Nahulog ng tuluyan ang loob ko dahil sa pagiging concern niya samantalang siya ay gusto lang pala akong maging kaibigan?

Hindi ito okay para sayo, Carleigh! Tampalin mo na ang sarili. Na friendzone ba agad ako? Eh hindi pa nga ako umaamin ah? Grabi lang talaga.

"Friends... Yeah, whatever."

"Gusto mong maging friend kita?" tanong niya pa, napa-angat naman ako ng tingin. Medyo nagulat pa ako dahil sa pagtaas ng boses niya.

"Ikaw na ang may sabi, nandito ako kasi kaibigan mo ako. Tsaka pwede ba? Mind your own business na lang, huwag mo akong kausapin at broken ako ngayon!" pandidirekta kong sambit. Huli na rin para bawiin ang salitang binitawan ko.

"What!" malakas niya na namang saad sabay bitaw ng kutsilyo at patatas na hawak niya. Napatitig ako sa kawawang gulay na bumagsak sa mesa.

"W-hat's wrong with you?" wala sa hulog kong tanong.

"Broken ka? Aba, gago pala 'yang nanakit sayo. Gusto mo bang resbakan natin?" tiim-bagang niyang tanong.

Eh? Sige, resbakan mo ang sarili mo, 'langya ka!

Parang konti na lang din talaga at mababaliw na ako. Wala siyang kwentang kausap pero heto ako at kausap naman siya. Ang bait ng mundo sa akin ha? Sa sobrang bait ay nasa harapan ko ngayon ang magiging dahilan kung bakit may isang DJ na malulugmok sa mental hospital ng panghabang-buhay.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon