PANIMULA

443 53 4
                                    

Kahit Hindi Na Ako
(LC Series #2)
#KHNA
LovieNot

Carleigh Quintos

"Yuck! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya, aber? Yes, gwapo siya pero mukha namang taong bato yan, walang emosyon, tahimik at higit sa lahat ay perfectionist pa. For sure, ang boring niyang maging boyfriend," wagas kong pandadaot sa kay Zeiroh Hernandez na palaging ipinapareho sa akin ng kaibigan kong si Hazel. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ayaw na ayaw ko sa ideyang ang lalaking iyon ang makakatuluyan o katadhana ko.

Hindi kami bagay. Hindi.

Hindi siya ang ideal man ko 'no? Gusto ko iyong lalaking nuknukan ng sense of humor sa katawan, sweet, clingy at higit sa lahat ay madaldal din tulad ko.

In short, kabaliktaran ni Zeiroh ang hanap ko sa isang lalaki.

"Hoy, loka ka girl. Ano pang hahanapin mo kay Zeiroh ah? Package na nga iyon eh. Matalino, gwapo, mayaman, mabait..."

"Mabait? Iyon? I doubt it," natatawa ko pang saad.

Lagi ko namang nakakasama ang lalaking itinatambal nila sa akin sa mga competition sa school. Ahead nga lang ito ng isang taon sa amin. At masasabi ko talagang parang may sarili siyang planeta. Hindi palaimik eh. Kaya hindi ako maka-relate sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Tapos siya ang itutulak sa aking ng kaibigan ko? Like hello? Tao ang gusto kong makinabang sa kagandahan ko at hindi isang alien.

"Girl, kapag nanligaw sayo si Zeiroh, pagbigyan mo naman muna. Hernandez iyon Carleigh."

Napataas-kilay naman ako. Kapag Hernandez ay talagang big deal for them eh kasi nga angkan ng hindi lang mayayaman na pamilya kundi mukhang hybrid din ang semilyang pinanggalingan nila, ang lalakas ng dating ng mga hitsura eh.

Pero kahit na, ayoko pa rin sa mga seryosong tao. Balita ko pa nga ay isa si Zeiroh sa candidates para maging CEO ng La Conchita Company na pagmamay-ari ng pamilya nila.

Tatlo kasi silang magpipinsang Hernandez na pinagkakaguluhan sa campus. Alester at  Enzou naman ang pangalan ng dalawa niya pang pinsan.

Kapag nagsama-sama na ang tatlong iyan ay nayayanig ang buong school sa tilian ng mga kababaihan. Pero kahit isa sa kanila ay wala akong matipuhan dahil pare-pareho naman silang alien eh, para bang pasan-pasan ang sari-sarili nilang planeta.

Tsaka teka nga? Bakit naman nga manliligaw sa akin ang Zeiroh na iyon eh hindi naman namin gano'n kakilala ang isa't-isa.

Too rich. Too boring. Too much is worthless too.

"Diyos ko naman Hazel, bakit ba kasi naisip niyong itambal ako kay Zeiroh? Bukod sa ayaw ko naman talaga sa lalaking iyon eh hindi hamak na ang layo ng agwat ng pamumuhay niyon kaysa sa akin 'no? He's rich. I'm poor. See? We're not even. Langit, lupa, ganern!"

Totoo naman kasi, kaya lang naman ako nakapag-aral sa mamahaling unibersidad na ito ay dahil matalino ako, scholarship lang ang kinakapitan ko rito. Mass communication ang tinatahak kong kurso at nasa 3rd year college na ako ngayon.

"Mataas ang pangarap ko kapag career ang usapan pero kapag about sa love life, okay na ako roon sa kahit magsasaka basta masaya ako. Malaya sa panlalait at panghuhusga," dagdag ko pa. Napangiwi lang naman ito sabay singhap.

"Talaga ba Leigh? Eh di sana nagsaka ka na lang din at hindi na nag-aral sa mamahaling paaralang ito kung magsasaka lang din naman pala ang hanap mo, kaloka 'to. Babaw ng pangarap ha?"

"Ewan ko rin sayo Hazel. Basta iba na lang ang ereto mo sa akin. No, tama na ang pangrereto diyan. Hindi naman ako atat magka-boyfriend eh."

Nailing na lang din ito hindi na ako kinulit pa. Imposible din namang magustuhan ako ng isang Zeiroh Hernandez. Isang malaking kalokohan lang iyon kung magkataon.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon