KABANATA 5- PLAYING GAME

175 39 4
                                    

Kabanata 5
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot

“Ah yes Joeyce? I’m sorry, what’s your question again?” usisa ko sa caller.

Kanina pa talaga ako wala sa hulog at alam kong nahahalata na ako ng mga kasamahan kong nasa labas lang. Paano ba naman eh wala akong tulog. Binagabag ako ng konsensiya ng apakan ko ang paa ni Zeiroh dahil sa inis at tumatakbong tinalikuran siya kagabi.

“Masakit? Sa tingin mo sino ang mas nasasaktan? Iyong taong laging tinatalikuran o iyong taong tumatalikod na lang ng basta?”

Whatever. Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa caller.

“Nararamdaman ko pong hindi na talaga ako ang gusto niya, na parang lumalamig na siya sa akin. Tama pa po bang kumapit sa relasyon namin?” Napasinghap naman ako.

I feel you bi, hay pastilan.

“Alam mo Joeyce hindi lahat ng nararamdaman natin ay totoo. Minsan kasi iyang sinasabi nating nararamdaman natin sinasamahan din iyan ng dikta ng ating isipan. Sabi mo nga parang lumalamig na, sounds hindi ka naman sigurado hindi ba? I think, all you have to do is to talk to him, pag-usapan ninyo 'yan ng masinsinan at kung sa kanya na galing na hindi ka na gusto eh di doon ka na bumitaw.” Narinig ko naman ang buntong-hininga nito.

As simply as that, Carleigh? Mahal niya nga iyong tao, huwag kang bitter.

“O di kaya ay subukan mo pa ring isalba ang relasyon niyo, kung sakaling wala na talaga, nasasaktan ka na pero wala pa ring nangyayari eh di hayaan mo na lang siya. Let him go.” Parang bumibigat lalo ang pakiramdam ko sa usapan na ito. Nananadya na naman si Kupido. Babalian ko na talaga ito ng pakpak eh.

Nakahinga lang ako nang maluwag ng matapos na ang diskusyon, mabuti naman at kahit lutang ako ay matagumpay pa rin ang pagsasara ng aking programa. Matamlay na lumabas na ako ng room.

“Oh? Bakit parang kulang ka ngayon sa energy? First time yatang umere ka ng lutang ah?” sita sa akin ni Joanne. Sa lahat ng kasamahan kong DJs ay ito ang pinaka-observant sa amin. Nagkibit-balikat lang ako.

“Halata ba?” pabiro kong saad.

“Kung pakikinggan ka sa radyo ay hindi naman masyadong halata, may hanging part ka pero nababawi mo naman, pero sa amin na nandidito ay hindi mo talaga maipagkakaila iyon day.”

Napatango na lang ako at nagpaalam na sa kanila. Nagpasya akong dumaan ulit sa CS. Parang comfort zone ko na talaga ang lugar na iyon.

Mabagal lang ang takbo ko hanggang sa makapasok ako sa parking lot. Ang tanging nakakapag-park lang pala rito ay ang mga VIP members ng La Conchita at isa na ako roon. Kaya rin alam ko talaga ang rules and regulations dito kasi nasa contract namin iyon na dapat namin alamin dahil malaki ang multa kapag kami mismong mga members ang magkamali dito.

Hindi ko na kinalimutang magsuot ng mask bago lumabas ng sasakyan. Napahigpit ang paghawak ko sa sling ng aking bag at bahagya pang nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Saktong pagbaba ko kasi ay ang paglapat din ng mga labi nina Zeiroh and Marie.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text. Sunod-sunod ang tunog nito. Napakuyom na lang ako dahil sa napatigil sila sa kanilang ginagawa at sabay pa talaga silang lumingon. Bahagya pa akong tumikhim.

“U-hm… I’m s-orry.” Hindi ko alam kung bakit tila ako pa ang nakaramdam ng hiya sa kanila where in fact sila naman itong may ginagawang milagro eh. Nararamdaman ko rin ang panginginit ng aking mukha.

Pinilit ko na lang na ihakbang ang mga paa ko. Shit! Bakit parang tinutusok ng mga karayom ang dibdib ko?

“Bye, hon. Kita na lang tayo mamaya," saad ng babae. Hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa babae kahit wala naman itong ginagawang masama sa akin.

“Bye,” rinig ko pang tipid na tugon ng lalaki.

Binilisan ko na ang lakad ko papunta sa loob at agad na naghanap ng pwesto. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang babaeng papuntang table na rin pala. Nagkabangga tuloy kami. Bumagsak ang hawak niyang cup at sumapol iyon sa paa ko. Impit na daing ang pinakawalan ko dahil sa init nito.

“I’m sorry, Miss. My fault,” agad na paumanhin ko. Ramdam ko na rin ang titig ng mga customer sa amin.

“Are you bulag or just plain tanga?” asik nito sa akin. Medyo chinita ito at hindi maipagkakailang maganda talaga. Sa mukha palang nito ay halatang badtrip din ito.

“Tanga, I guess? Or maybe both?" kalmado kong saad. May dahilan naman ito para sabihan ako ng ganon pero tao pa rin naman ako, may kalutangang moments. "But look, hindi kita napansin, okay? I’m sorry," muling paumanhin ko.

Tiningnan lang naman ako nito mula ulo hanggang paa tapos mula paa hanggang ulo ulit bago niya hinuli ang paningin ko. Napakunot-noo na talaga ako.

Ang lakas ng loob ng babaeng ito na husgahan ako ng harap-harapan ha?

“Then you’re bulag at not tanga, iyong kahit nasa harapan mo na ang isang bagay ay hindi mo pa makita ang halaga.”

Napangiwi naman ako. May pinagdadanan din ba ang babaeng ito? Sa ganda ba naman niyang ito ay imposibleng may lalaking nanakit sa kanya. Baka siya pa nga ang magpaiyak ng maraming lalaki eh.

“Parang kilala kita, ah? Remove your mask," mataray nitong utos sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Iyong usapan namin ay parang kami lang din yata ang nakakarinig. Wala ring nagtangkang lumapit sa amin. Pero kahit sng intense ng usapan namin ay hindi ko alam kung bakit may parte sa isip ko na natutuwa sa babaeng ito. Ang kamalditahan kasi nito ay para bang depende lang sa mood niya.

“Bakit kita susundin? Boss ba kita?” mataray ko ring sagot. Pareho na kaming nagtataasan ng kilay sa isa't-isa.

“Hindi. Alisin mo na para makita natin kung sino ang mas maganda sa atin, kung sino ang talo ay siyang maglilinis ng kalat natin na ito. Kalat natin dahil hindi naman pwedeng lakat ko lang dahil binangga mo ako.” Hindi ko na lang siya pinansin, para hindi na ito tumalak ay yumuko na lang ako para damputin ang cup na nasa sahig pero may kamay na pumulupot na lang bigla sa bewang ko dahilan para mapatuwid ulit ako ng tayo.

Ngali-ngali kong tiningnan ang kugtong na gumawa niyon. Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko nang magtama ang paningin namin ni Zeiroh. Parang na kukuryeteng inalis ko ang kanyang kamay sa bewang ko at bahagyang dumistansiya.

“Ang ikli ng suot mo,” bulong pa nito sa akin.

Maikli raw? Eh sakto lang naman nga. Epal.

Akmang tatanggalin ng babae ang suot kong mask pero napigilan niya agad. Nanliit naman ang mata ng babae.

“What are you doing, Keyrrah?” asik niya sa babae, ngumisi lang naman na ito sa kanya. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila.

“Babe naman, I missed you so much,” pilya pa nitong saad.

“Nagkita lang tayo kanina.”

Huwag niyang sasabihing girlfriend niya din ang isang ito? Hindi ko maiwasang magimbal sa harap ng dalawa. Hindi maipagkakailang malakas ang dating ng babaeng ito at kaya nitong pataubin si Marie. No, wala ngang binatbat sa beauty nito si Marie eh. Malayo ang agwat.

“Oo nga pala epal ka kasi eh," nakanguso pang saad ng babae. She’s kinda cute kapag naka-pout.  Pumalatak lang naman si Zeiroh tsaka tumingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.

“I’m sorry ulit,” saad ko sa baabe sabay punta sa table sa nasa pinakasulok. Kinuha ko ang panyo ko sa bag at pinunasan ang paa kong nanlalagkit. Mabuti na lang at naka-dress ako at hindi naka-pants. Sinuri ko pa muna ang cellphone ko dahil naalala kong may text palang dumating kanina.

Hey DJ Carleigh. Sana ayos ka lang talaga, just call me or text me if ever you need someone to talk to. This is Joanne, ang pinakamagandang Joanne sa balat ng lupa, ehe enebe.

Hi prettiest DJ on earth. Cheer up!  We’re here for you, alam naming may pinagdaanan ka ngayon. Sana maging okay ka na. Ako lang ito, si Calix na mahal na mahal ka. Yiiiee.

Uy si diyosang Pazz lang ito ah? Baka akalain mong si Goddess Hera ito. Smile ka na bebe, love ka naman namin eh kahit hindi ka niya love hahaha. Mwaapss, love you.

Napangiti na lang ako at sabay iling. Napapitlag ako nang may pabagsak na naglapag ng cup sa mesa. Inosente naman akong nag-angat ng tingin. Tinanggal ko na ang mask ko. Ang yawang kugtong pala.

“Damn,” aniya pa habang titig na titig sa akin.

“What? Nandito ka para murahin ako? Salamat ah?” naiinis kong sambit. Bahala nga siya. Ayoko ng magbait-baitan sa kanya. Ang landi niya naman pala. May honey, may babe, baka may sweetheart, sweetie, baby, darling, bhie, bebe, bebeloves at 99 others pa ito.

Feeling gwapo eh hindi naman... Fine, gwapo nga siya pero hindi excuse 'yon para maging babaero siya. Left and right pa 'yong nanlalandi sa kanya ha? Sabihin na nating siya ang nilalandi pero kailangan ding bang landiin niya ito?

Mataman lang siyang nakatitig sa akin na para bang pinipigilan ang kanyang sarili na gumawa ng bagay. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong problema nito?

“Ano ba? Staring is rude,” malamya kong saad. Inis na kumuha siya ng tissue at nabigla ako ng ipunas niya iyon sa gilid ng bibig ko at ipinakita pa sa akin. Nanginit ang mukha dahil sa may mark ng lipstick iyon. Agad ko namang sinipat ang mukha ko. Shit! Nagkampat pa pala ang lipstick ko dahil sa lintik na mask! Nakakahiya!

Eh oh bakit ka naman mahihiya, Carleigh? Natural lang naman sa babae 'yan, eh siya nga may mark ng lipstick sa kwelyo ng damit kahapon, nahiya ba siya sa'yo?

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Where stories live. Discover now