KABANATA 4- SOMETHING'S SPECIAL

188 43 2
                                    

Kabanata 4
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot


“What? Nagkita ulit kayo ni Zeiroh? Tapos? Anong nangyari? Excited ako sa ganap niyo, ‘langya! Kwento ka na dali!” masiglang saad ni Hazel. Nasa La Conchita CS kami ngayon sa loob mismo ng LC Mall,  hindi doon sa CS na palagi kong pinupuntahan. After ng programa ko kanina ay dito na agad ang diretso ko.

“Wait lang, sinong Zeiroh?” naguguluhang usisa ni Kyra.

Napakamot na lang ako sa noo, wala nga pala silang alam ni Ryza tungkol sa bagay na ito. Hindi ko naman na kasi pinagtuonan pa ng pansin ang pangbabasted ko noon kay Zeiroh Hernandez eh. Hindi big deal iyon sa akin.

Ang gusto ko lang naman kasi noon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang pamilya ko sa hirap. That’s it and I’m happy that I did it already.

Pakiramdam ko kapag natupad ko na ang pangarap kong iyon ay magiging kompleto na ako but now? It seems there’s this something that still missing in my life, I can feel it but I can’t figure out what it is.

“Oo nga, Zeiroh who? Ex-boylet mo, Leigh? Wala ka namang naikukuwento sa amin ni Kyra ah? Andadaya niyo!” Natawa naman kami pareho ni Hazel.

“Hindi niya ex-boylet. Ganito kasi iyon girls, noong nasa 3rd college kami, may Hernandez na nagkagusto dito sa frenny natin, nagtapat ito ng kanyang nararamdaman at ang kugtong nating friend ay agad na binasted ito, friendzone ang peg. Naawa nga ako kay Zei eh. Ako pa man din ang unang nilapitan niya para humingi ng tulong.” Nanliit naman ang mga mata ko. Natutop pa nito ang kanyang bunganga na para bang may naibunyag siyang sekreto.

“Wow huh? Kaya pala todo reto ka sa kanya? Gano'n pala ang nangyari?” angil ko pa.

“Eh sorry na girl, hayaan mo na nga, hindi mo naman nga pinagbigyan 'yong tao eh.”

“Wait… Hernandez? Eh diba Hernandez din ang may-ari ng La Conchita Company?” Nanlalaki pa talaga ang mata ni Ryza.

“Yes, exactly. Isa sa Hernandez boys si Zeiroh. Sayang hindi ba?” Binatukan ko naman ito. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga ito, mukhang nasa  panig ni Zeiroh eh.

“OMG Leigh! Why o why hindi mo binigyan ng chance ang tao?” usisa ni Kyra habang sapo pa ang noo nito.

“Dahil ayokong isipin ng lahat ng kakilala, kapamilya o kaibigan niya na kaya ko lang siya jinowa… kung sakaling pinagbigyan ko siya ah? Na… Pera lang ang habol ko sa kanya. We both know naman na mahirap lang talaga kami.” Napasinghap naman sila pare-pareho. Napatango si Ryza.

“May point. Alam naman nating madalas talaga kapag mahirap ka at nakipagrelasyon ka sa mayayaman ay iisipin ng mundo na pera lang ang habol mo.”

“Eh? Hindi naman lahat ng mayaman ay ganun. Kung sincere naman pala itong si Zeiroh sayo eh gagawa siya ng paraan para ipagtanggol ka kapag nangyari ang ganon.”

“I agree with Kyra. Tsaka mababait naman ang mga Hernandez ah?” Sabat din ni Hazel. Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit anong paliwanag ko pa siguro ay meron talagang hindi makakaintindi kung bakit inayawan ko ang lalaking iyon. Basta, alam ko sa sarili kong tama ang desisyon kong iyon. Kung anuman ang mangyayari sa ngayon ay labas na roon ang nangyari sa nakaraan. Past is past.

“So? Anong nangyari na nga sa pagkikita niyo ulit?”

“Nothing's special.”

“Talaga? Bakit parang iba ang mood mo nong napag-usapan natin siya? Parang may something talaga eh. I know you Leigh.”

“Hazel naman.”

“See? Hindi ka ganyan noon kapag si Zei ang usapan, isang salita ko lang nun ay nakasampung talak ka na. But now? May iba talaga sayo eh.” Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin. May ideya pala ako pero hindi ako sigurado. Ayokong magsalita ng hindi ko pa lubusang nahahanap ang kasagutan sa aking katanungan.

“Eh baka naman ngayon ay may chance na kayo nitong Zeiroh, Leigh? What do you think?” pilya pa ang ngiti ni Kyra. Mukhang boto agad ang lokang ito sa lalaki kahit hindi niya pa nga nakikita sa personal.

“Oo nga naman, Leigh? Wala ba talagang something that occupy space and has mass sa dibdib mo  for him?” Pare-pareho naman kaming natawa dahil sa tanong na iyon ni Ryza.

“Kung meron man, it doesn’t matter. May girlfriend na iyong tao eh,” ani sabay kibit-balikat pero hindi ko ipagkakailang bumundol iyon sa aking dibdib.

“Ohh.” Sabay-sabay pa talaga sila.

“So? Art of letting go?”

“What are you talking about, Hazel? Letting go? There’s nothing to let go ‘no? Walang namagitan sa amin ni Zeiroh bukod doon sa confession niya at pangbabasted ko sa kanya.”

“Alam mo friend kung hindi ka lang in denial queen ay perpektong tao ka na sana eh kaso ang hilig mong isantabi ang mga bagay-bagay na siyang makakapagpasaya naman talaga sayo ng totoo, inuuna mo kasi lagi ang kapakanan ng iba tulad ng pamilya mo.”

“I agree with Kyra” singit naman ni Ryza, hinintay ko na magsalita ulit si Hazel since siya talaga ang pinakamalapit sa akin pero nagkibit-balikat lang din ito.

So, agree siya sa dalawa?

“Walang masama kung uunahin natin ang kapakanan ng iba lalo na kapag pamilya natin ang usapan,” matabang kong saad.

“Yeah, walang masama pero kasi I think you’ve done enough for them Carleigh. Meron na kayong pagkalaki-laking bahay, store and more. In fact kayo na ang pinakamayaman sa district natin eh. Kilalang pamilya na ang Quintos ng dahil sayo. Siguro naman ay oras na para sarili mo naman ang intindihin mo.”

“You’re not getting any younger Miss Carleigh Quintos.”

“What? I’m just 25 duh? Still young to get married.” Tumawa naman sila.

“We’re not saying here na magpakasal ka na agad. It’s your option though but what we are trying to say is that, huwag mo ng i-deny na wala kang nararamdaman for that Zeiroh. I may not know him but I know you, that pretty eyes of yours and your tone the way you say his name, I know there’s something special, Leigh.” Sinimangutan ko naman si Ryza. Kahit kailan ay straight forward din talaga ito magsalita eh.

“Aminin mo na, para hindi na humaba pa ang usapan na ito. Isa lang ang goal namin dito, ang mapaamin ka na gusto mo din talaga si Zeiroh pero pinipigilan mo lang ang sarili mo dahil sa hindi namin maintindihang rason.” Mas lalo akong nanlumo dahil ginagatungan pa talaga ng kugtong na Hazel ang trip ng dalawa.

“Wala akong aaminin okay? Bakit? Kayo ba siya?”

“Bingo!” Sigawan nila sabay tawanan. Nag-apir pa, mga kugtong talaga. Malakas iyon kaya naman may mga nagsilingonan pa sa amin pero saglit lang naman.

“Anong bingo?” nakakunot-noo kong tanong.

“Nevermind. Alam mo, ang galing mong DJ eh, lalo pagdating sa on the spot na pagbibigay ng advices sa mga callers ng programa mo pero sarili mong love life ay hindi mo kayang i-locate ‘no? Ewan ko na lang sayo. Walang sisihan sa huli ah?”

“Grabi ka naman Zel sa walang sisihan sa huli, hindi naman pwedeng maging sa unahan iyon.” Patutsada ni Kyra. Nagtawanan na naman sila. Napataas kilay naman ako.

“Ah, gano'n? Bakit ako lang ang topic dito? Bakit? May mga jowa na rin ba kayo? “ Sabay-sabay naman silang napaubo. Si Hazel ay agad na naglagay ng earphones, si Kyra ay bigla na lang naging busy sa kanyang phone at si Ryza naman ay binuklat ang bagong bili niyang libro.

Natatawa habang naiiling na lang ako sa kanila. This is why I love them. Mga kugtong. Maya-maya pa ay napagdesisyonan na naming umuwi. Diretso na ako sa condo.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa LC building ay halos malaglag ang panga ko ng makita sina Zeiroh and Marie na parehong nasa front desk. Para akong magnanakaw na nagmamadaling tinungo ang elevator, nanlumo pa ako dahil ang tagal bumukas.

Nang bumukas naman ay agad  na pumasok ako. Agad kong pinindot ang number 3. Akmang magsasara pero may mga kamay na pumigil.

“Get in hon,” saad ng lalaki at inalalayan pa si Marie. Kahit nakita ko naman sila ay hindi ko pa rin maiwasang magulat sa biglaang pagpasok nila.

Anong ginagawa nila rito?

Sa halip na itanong iyon sa kanila ay pinindot ko na lang ulit ang number 3. Hinintay kong pumindot din sila ng floor number pero hindi nila ginawa. So, I differ conclude na iisang floor lang ang destinasyon namin.

Damn it!

“Smells good,” rinig kong saad niya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nasa akin ang kanyang paningin.

“Coz I got a new perfume from Paris, hon," sambit ni Marie sa malanding boses.

Eh di wow, just wow. Ako nga Bench lang na So In Love eh. Iba na talaga kapag brat.

“Really?”

“Yeah, do you like it?”

“Yes.”

Kugtong, bakit na sa akin siya nakatingin eh nasa kabila naman ang kausap niya? Ano kayang gagawin ko para mapalayas ang mga ito dito?

Bumukas ang elevator at sabay-sabay pa kaming lumabas. Napadako ang tingin sa akin ni Marie. Umakto pa itong nagulat o baka talagang ngayon niya lang ako na mukhaan.

“It’s you again. Wow, small world, huh? What are you doing here?” mataray nitong sambit. Baka nga hindi niya agad ako nakilala.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Where stories live. Discover now