The Breakdown...

80 0 0
                                    

Sa bawat paglipas ng araw, pinipilit ni KAryll na itago ang nalalaman n'ya kina ma'am GAbriella. Oo mahirap, mahirap maging manhid at pilit ipikit ang mga mata sa mga katotohanan na alam mo. Pero kailangang gawin ito ni KAryll para mapanatili siyang buo at masaya ang pangalawa niyang pamilya. Sa tuwing nakikita n'ya ang mga ngiti ni ma'am Gabriella, kahit papaano nababawasan ang dinadala ni KAryll. Parang ito ang nagsasabi na tama ang ginagawa n'ya paglilihim sa katotohanan. Naawa siya sa mga kapatid n'ya dahil oras na malaman ni ma'am Gabriella ang lahat ay sila ang unang maapektuhan. Kaya mas pinili ni KAryll na kimkimin na lang lahat sa loob n'ya at magpangggap na masaya at walang nalalaman. Pero dumating na sa punto na di n'ya na kaya. Parang sasabog na siya.....

"Mommy sabi ni ate Kate ako na daw muna ang gumamit nung bakanteng kwarto katabi ng kwarto n'ya. Para daw mas malapit ako sa kanila si ate Bea." sabi ni Karyll kay ma'am Gabriella . Niyaya kasi siya ni ate Kate na dun na lang sa bakanteng kwarto tumuloy para mas makapag-bonding silang magpipinsan.

"O sige. Dalawang araw na lang at uuwi na tayo. Magkakahiwa-hiwalay na ulit kayo.", sabi ni ma'am Gabriella habang nagluluto.

Niyakap naman siya ni Karyll. Gusto n'yang kumuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang ginagawa niyang pagtatago sa katotohanan para sa ika-bubuti nina ma'am Gabriella at nina Jessicah...

"Salamat po mommy.." sabi ni Karyll..

"Naku, naglambing nanaman ang anak ko...", sabi ni ma'am Gabriella sabay harap kay Karyll..

Pagkatapos ay nag-impake na si Karyll para lumipat ng kwarto. Maiiwan na kasama ni ma'am Gabriella si Jessicah at Carla. Nasa golf course kasi si sir Richard kasama sina tito Ian.

"Ate bakit ka lilipat ng kwarto??", tanong ni Jessicah habang nanunuod sa pag-iimpake ni Karyll.

"Kasi sabi ni ate Kate ako daw muna yung gumamit ng bakanteng kwarto malapit sa kwarto n'ya. Kasi dal'wang araw na lang at aalis na tayo magkakahiwa-hiwalay na ulit kami. Gusto naming mag-bonding na muna bago mangyari yun.." sabi ni Karyll kay Jessicah at Carla..

"Tama yun ate Karyll. Dapat lubos-lubusin n'yo na para sulit diba??", sabi ni Carla...

^_^ " Tama...... ",sabi ni Karyll.

Pagkatapos n'yang mag-impake ay nagpaalam na siya kina ma'am Gabriella na lilipat na siya ng kwarto pagkatapos ay lumipat na siya ng kwarto at nag-ayos ulit ng gamit...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

7:43 pm..

Unti-unti nang dumidilim sa labas. Si Karyll  ay nakasuot ng nightgown at nanunuod ng tv habang kumakain ng popcorn. KAhit saglit gusto n'yang kalimutan lahat ng problema. Ayaw n'ya munang alalahanin ang mga ito para makapag-relax. Pero kahit ilang ulit n'yang pilitin ang sarili nakalimutan ang lahat at bumabalik parin ito kaya napagisipan na lang n'ya na uminom.

Kaya pumunta siya sa terrace na may dala ng isang bote ng wine at isang baso. Para sa kanya ito lang muna ang makakatulong sa kanya para makalimutan ang problema...

The Truth Beyond The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon