Vacation Time

46 0 0
                                    

Pumasok na sabay-sabay sina ma'am Gabriella sa school.Last day na kasi ng school year. Socialization nila ngayon.....

"Karyll!!", sigaw ni PAula habang nakikita n'yang papasok na ng gate ng school si Karyll. Agad n'ya itong niyakap na parang isang taon silang nagkita.

"Hoy babae, bakit di ka nag-reply sa text ko kahapon?", tanong ni Paula habang naglalakad silang dalawa ni Karyll papunta sa classroom. Nagulat naman si Paula ng makita na may benda ang ulo ni Jessicah...

"Wait lang sis, anong nangyari sa cute baby ko? Bakit may tela siya sa ulo?", tanong ni Paula habang inaakbayan si Jessicah. Ipinaliwanag naman ni Karyll ang nangyari kay Jessicah. About sa pagkakahulog nito sa hagdan. Pero di n'ya sinabi na si Carla ang may gawa.

"Naku kawawa naman ang baby ko. " sabi ni Paula.

Inihatid lang muna nila si Jessicah sa classroom  nito. Na-touch naman si Karyll nang yakapin siya ni Jessicah bago pumasok ng classroom nito.

Nagpatuloy naman sila paglalakad papuntang classroom. Sa paglalakad, nakasalubong nila si Angelica. Siya ang no. 1 na naiinggit kay Karyll. KAya lagi siya nitong tinitira...

"Well I guess the feeler is here. Bakit nga naman hindi, biruin mong napiling maging daughter ng teacher. " pangaasar ni Angelica habang kasama ng mga barkada n'ya.

Nagpatuloy lang sa paglalakad sina Karyll na parang walang narinig. Ayaw naman kasi nila ng eskandalo. Kaya pinabayaan na lang nila ito. Para kina Karyll, wala naman silang mapapala kung papatulan nila ang mga ito. Pero hindi sila tinigilan ni Angelica. Inihara nito ang isang paa n'ya para mapatid si Karyll. Hindi naman ito napansin Karyll, kaya nadapa ito.

"Hoy!! Angelica, tigilan mo na yang kamalditahan mo. Pag ako talaga napuno.Siguradong kahit ma-office tayo di kita uurungan. " banta ni Paula habang tinutulungan si KAryll na makatayo. Nasugatan naman si Karyll sa tuhod dahil rough ang flooring. Sakto namang dapadaan si Gabriel, nakita n'ya na may sugat ito.

Agad naman n'yang inalalayan si KAryll. Mahapdi yung sugat kaya hindi makapaglakad ng maayos si KAryll. Nakita ni Gabriel na nahihirapan si Karyll. Kaya binuhat na n'ya ito. Nagulat naman si Karyll maging ang mga nakakita sa kanila. Dinala n'ya ito sa faculty. Meron naman kasi dung emergency kit.

"Gabriel, di mo naman ako kailangang buhatin. Nakakahiya naman, pinagtitinginan na tayo.." sabi ni Karyll. Habang buhat siya ni Gabriel.

Pagkarating sa faculty room.....

"O Karyll, anong nangyari sa tuhod mo?", tanong ni sir Richard habang nag-aayos si sir Richard ng uniform niya.

*_*  Nakatingin na nakatingin si Paula kay sir Richard... (hahaha may crush talaga si Paula kay sir.)

"Pinatid po kasi siya ni Angelica. Alam n'yo naman po na napakalaki ng inggit nun kay Karyll." sabi ni PAula habang nakatingin kay sir Richard

The Truth Beyond The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon