The Revelation-- Part One

57 0 0
                                    

(Continuation...)

From: Cathy..

Nasaan ka na??? Nandito na ako.. But don't worry take your time,, I'll wait for you... <3

Anong ibig sabihin nito?? Totoo ba ang nakikita ko?? Baka nanaginip lang ako..

Tinatapik tapik ko ang mukha ko para masiguradong di ako nanaganip. Halos naman mamutla ako sa nabasa ko. Para akong nanghihina. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw pero wala akong lakas na gawin lahat ng yun. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong message sa phone n'ya.

Dapat ko silang puntahan ngayon.. Di ko alam kung ano ang kalalabsan ng lahat ng ito. Pero gagawin o ito para sa mga anak ko..

"Mommy ok lang po ba kayo??? Bakit po kayo namumutla???", tanong ni Karyll sa akin habang naglakad sa papunta sa tabi ko..

"Hindi, anak ok lang ako. Medyo pagod lang siguro ako... May kailangan ka ba anak???', tanong ko sa kanya..

"A.. Mommy may bibilhin lang po ako sa labas.. May pabibili po ba kayo???", tanong n'ya sa akin habang nakatingin na naka tingin sa akin.. Siguradong chine check ako nun kung ok ako...

"Wala naman anak.. Ok na ako..", sabi ko habang pinipigilan na tumulo ang luha ko..

"Sige po mommy..", sabi ni Karyll sa akin..

Bigla namang pumasok din si Ralp kasama sina Jessicah at Carla..

"May pupuntahan ka mommy??'", tanong ni Ralp..

"Hep, hep,, sasamahan mo si mommy dito.. Di ako papayag na walang kasama si mommy..", sabi ni Karyll kay Ralp..

"Sige mommy wag kang mag-alala.. Babantayan namin si tita Gabriella.. ", sabi ni Ralp habang agree naman sa kanya sina Carla..

Pagkaalis ni Karyll, hindi ko alam kung paano ako makakalis ng kwarto para hanapin sina Richard ng di nalalaman nina Carla at Jessicah. Kahit naman galit ako kay Richard, ayaw ko namang sirain yung magandang tingin ng mga bata sa kanya. Naging mabuting ama naman s'ya kina Jessicah at Carla. Pero di ko na mapigilan ang sarili ko. Para akong sasabog kung di ko sila hahanapin kaya...

"Tita Gabriella saan po kayo pupunta???", tanong sa akin ni Ralp..

"Oo nga po mommy.. Saan po kayo pupunta..???". tanong sa akin nina Jessicah at Carla.

"Mga anak, may pupuntahan lang akong importante. Ralp ikaw na munang bahala sa kanila..", sabi ko sabay labas ng kwarto. Di ko alam kung saan ko mahahanap sina Richard.. Pero bahala na, di naman ganun kalaki itong resort para di sila mahanap..

                                                     End of ma'am Gabriella's POV

 

Karyll's POV

Papasok na sana ako ng mini grocery store ng biglang parang may nakita akong mukhang pamilyar. Hindi ako nagkakamali, siguradong si sir Richard yung nakita ko.. Kaya sinundan ko s'ya. Nagulat na lang ako ng makita ko na salubungin s'ya ng isang babae at halikan s'ya sa labi. Bigla parang  lahat ng dugo ko sa mukha ay napapunta sa katawan ko...

The Truth Beyond The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon