The Explanation Part III

48 0 0
                                    

Sa loob ng kwarto..

Sir Richard's POV

Hanggang ngayon ay umiiyak parin si Karyll. Sino nga naman ang hindi iiyak kapag pinagsalitaan ka ng ganun ng mommy mo. Di ko lubos maisip na may ganun palang ina. Halos walang awa n'ya kaninang sinaktan si Karyll. Alam kong halohalong sakit, kahihiyan at lungkot ang nararamdaman ngayon ni Karyll..

Naka-upo kami sa sofa ngayon. Pinagigitnaan nina lola Cynthia at Gabriella si KAryll..

"Anak, shush.. tama na..", sabi ni Gabriella habang pinipispis ang braso ni Karyll..

"Karyll, tama na... Baka makasama sa puso mo yan..", sabi ni lola Cynthia..

"Tama ang abuella mo, anak. Baka atakihin ka. Makakasama yan sa puso mo..", sabi ni Gabriella sa kanya..

-----------------------------------END OF SIR RICHARD"S POV----------------------------------------

The Author's POV

Tulala lang si Karyll. KAya naman lalong nag-aalala si ma'am GAbriella at lola Cynthia...

"Naku, I really have to say this thing to Gaby. Sobra na talaga si Sylvia, mapapahamak si Karyll sa ginagawa n'ya. ", sabi ni lola Cynthia. Patayo na sana s'ya ng biglang pigilan s'ya ni KAryll..

"Bakit Karyll???", tanong ni lola Cynthia habang napatigil at napa-upo ulit sa tabi ni KAryll..

"Abuella, please wag mo na pong sabihin kay dad lahat ng nangyari. Dadagdag lang po ito sa isipin n'ya. Baka pa po sumama ang loob ni dad, mas makakasama pa po sa kanya yun..", sabi ni Karyll habang naka tingin na naka tingin kay lola Cynthia..

Dito nakita ni ma'am Gabriella kung gaano pinahahalagahan ni Karyll ang dad nito. Nakita n'ya na kayang tanggapin ni Karyll lahat ng sakit na binibigay ni Sylvia. Pero di n'ya kayang makita na nahihirapan ang dad n'ya. Napaluha si ma'am GAbriella..

"Mahal mo talaga ang dad mo. Kaya mong tiisin ang lahat ng pananakit ng mommy mo para sa dad mo...", sabi ni ma'am GAbriella habang nakatingin kay Karyll..

"Mommy, si dad na lang po ang natitira sa akin. Wala na po. Kung mawawala pa po s'ya, di ko na po kakayanin...", sabi ni Karyll habang kita naman ni ma'am Gabriella na pinipigilan ni Karyll na bumagsak ang mga luha n'ya..

"Sylvia is lucky. Kung hindi lang kay Karyll. Ako na mismo ang nagsabi kay Gaby na hiwalayan na si Sylvia. Kahit ako na ang maglakad ng mga papers, basta magkahiwalay lang sila ni Sylvia, gagawin ko..", sabi ni lola Cynthia..

"Cynthia..",sabi ni lolo Jun..

"Pabayaan mo nga ako Jun.. Totoo naman na di ko talaga gusto si Sylvia para kay Gaby. Para s'yang leon.. Kaya naman laging sumasama ang loob ni Gaby...", sabi ni lola Cynthia sabay irap kay lolo Jun na napapa-iling na lang sa kanya..

"Galit naman po si mom sa akin, dahil masyado po akong masakitin..", sabi ni Karyll..

"Karyll, di mo kasalanan na magkasakit ka sa puso.", sabi ni ma'am Gabriella. 

"KAsalanan ko naman po ang lahat. Kung di po ako mahina, sana masaya si mom at hindi na kailangang masaktan si dad...", sabi ni Karyll. Nararamdaman n'ya ang inis sa sarili. Dahil di s'ya katulad ng ibang bata na kasing edad n'ya na malakas..

"Bakit kasi hindi ako kasing lakas ng iba... Hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito...", iyak n'ya sabay suntok sa dibdib n'ya...

"Karyll, tama na. Di ikaw ang may kasalanan. Ang mom mo ang may problema, hindi ikaw... Kung ano mang nangyayari ngayon ay dahil sa mom mo... Hindi n'ya mabalanse ang pagmamahal n'ya para sa inyong magkapatid...", sabi ni ma'am Gabriella habng hawak ang kamay ni Karyll para pigilin ang pagsuntok sa dibdib nito. 

The Truth Beyond The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon