Chapter Eight

49 5 0
                                    


"When The First Snow Falls, I Love You Orianna."

VIII

"Happy Graduation, Love." I hugged Alexandre tight before he could give me the flowers.

Tinigilan ko na syang tawaging Lucas simula nung mabasa nya yung libro ko at malaman nyang Lucas Joaquin ang pangalan ng main character.Wag ko na daw syang tawaging Lucas dahil ayaw niya yung ending dun.

"Thank you!" I kiss him on the cheek.

Lumingon sya agad kila mama at papa dahil sa ginawa ko.

Nakataas ang kilay ni mama habang nagpipigil ng ngiti at si papa naman ay kunwaring masama ang tingin sa amin.

Sus.Mga maaarte.

"Naku hijo, sayo nalang kami nagtitiwala dahil ang isang ito ay hindi mapagkakatiwalaang talaga." Sabi ni mama.

Inakbayan naman sya ni Papa.

"Nag-iisa nalang yan Alexandre, ayusin mo o aayusin kita." Sabi naman ni papa.

"Yes po, Tito." Seryosong seryoso naman si Alexandre, hindi na nasanay e pinagtitripan lang naman sya ni papa.

I remember nung birthday ni Alexandre last year, kinabukasan nun pinilit niya akong pumunta kami sa Ilocos para humingi ng permiso kila mama at papa para ligawan ako kahit di naman na kailangan.

Charot!

Sobrang umattitude si papa noon dahil sadyang madrama lang talaga siya at lowkey team Markus daw siya kahit wala naman talagang something sa amin ni Markus.

Mai-issue!

Pero right after noong 'man to man' talk daw nila--pero alam ko naman na mafeeling lang tong si papa-- e nag jump na daw sya ng ship.My gosh!

Gusto nya na din daw si Alexandre pero secret lang daw namin iyon.

Maarte talaga.

"Mama!Papa!" Sigaw ni Vi palapit sa amin.

Kasama niya si Markus at Kino na kakagraduate din dahil naabutan nila yung old curriculum na 5years ang Engineering kaya sabay lang kami ng graduation.Si Nieves naman ay 5th year na next school year.Sila ata yung last batch ng old curriculum.

Yumakap si Vi kay mama at nagbeso tapos nilahad naman kay papa ang dalawang kamay.

"Pengeng bus, Pa." Sabi ni Vi.

Tumingin si papa kay mama at nag acting na biglang masakit yung ulo.

"Ariann masakit ata yung ulo ko," with hawak pa ng ulo both hands.

"Di ka sure?" Sagot naman ni mama kaya nagtawanan kami.

Sumimangot lang si Vi pero yinakap na din si papa kalaunan.Nagpapasalamat din ako dahil kahit nawala yung kambal ko, dumating naman si Vi sa buhay namin kaya hindi masyadong nagtagal yung lungkot nila.

Bumati na din yung engineering department kila mama at papa.

Tinanguan ni Markus si Alexandre nung lumapit sya sa samin.

"You look ugly with make up on." Asar agad ni Markus sakin.

"Nasa tabi lang ang mga magulang ko Markus baka gusto mong magdahan dahan." Balik ko habang tinitignan sya ng masama.

Tumawa lang sya dahil alam niyang malakas siya sa mga magulang ko.

"Congrats, thought you'd repeat fourth year tho." Asar niya ulit tapos biglang nagtago kay Kino nung umpisahan ko syang hampasin.

When The First Snow Falls, I Love You OriannaWhere stories live. Discover now