Sayaw sa Hangin

20 0 0
                                    

Sa buhay na tila walang kakahinatnan
Wala nang maaring patunayan,
Sa buwan ay bumitaw sa pagkakahawak
Kasama ka sa kadilimang aking tinatahak

Mula sa kalangitan ay bumagsak sa lupa
Isang dating leon ngayo'y pinaamong tupa
Minsan nang naabot ang mga talang sinamba
Ngunit para sayo'y nagpumilit na bumaba

Kapit sa patalim, Hinga ng malalim
Hawak ang yong kamay,kapwa walang gabay sa dilim
Ilang beses mang hilingin
Sayo nalang ang paningin

Tinalikuran ng mundo ngunit ika'y nasaking tabi
Sa pagalaala ng kahapon ay nanatili ka buong gabi
Lumipas ang taon kahit nais mo nang sumuko
Nanatili ka kahit wala kang pinapangako

Ang dating  salmo't dalangin
Habang nakapikit at sumasayaw sa hangin
Ito ba? Ito ba ang dati kong pangarap
Matatabunan ba ng ligaya ang bawat paghihirap?

_Ayreen
Aug 11 2020

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now