Mamaya Na

31 1 0
                                    

Alastres ng hapon ngunit kay lamig
Tila isang sirang gitara, wala na ding himig
Di ko na dama, dating lambing sayong tinig
Di ko akalain mawawala ka sa king panig

Ayos na ang nandito ka, kahit walang kibuan
Ilang ulit ang pinalampas, di ka sinukuan
Walang kislap sa mata, isang tango at iling
Kontento ba pa hanggat nasayong piling?

Kung aalis kana, hiling ko lang sana.
Palugit ng minuto, pwede bang mamaya na?
Di nako sigurado kung babalik ka pa,
Panay tingin sa pintuan, tutuloy kana ba?

Ngumingiti ngunit ako'y  hinang hina
Ihahatid pa ba kita, o kaya mo na
Susuliting sandali,Isa pang mamaya na
Ngunit may dahan dahan ba? Sa paalam na?

May mga luha sa aking pag ngisi
Sa ibabaw ng mesa binitawan mo din ang susi
Malinaw na di kana babalik pa saking muli
Salamat sa palugit kahit ito na ang huli



_Ayreen
July 29 2020

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now