Pananatili

20 0 0
                                    

Minsan ay mas masakit ang iyong pananatili
Iba padin ang iyong mahal, kahit ako ang pinili
Minsan mo nang naabot ang buwan sa kalawakan
Ngunit heto ka sa  putik na kinasasadlakan

Matagal nang batid na sayo'y di karapatdapat
Bituin sa langit para sayo'y nararapat
Sugat sayong puso mula sa patalim saking bibig
Nanatili kang maamo,  saking dating nagpaibig

Matagal nang tinaggap na walang magagawa
Upang maibsan ang sakit at mapalitan ng tuwa
Sa halip na sundin ang pusong bumubulong
Binuhat mo ang krus at saking piling piniling makulong

Ilang beses kang pinagtabuyan
Ipinagtulakang iwan ako ng tuluyan
Bakit hindi ka pa din lumilisan?
Gayong dagdag nalamang sayong pasan pasan

Pinipili mo pa ba o nasanay ka nalang
Sapat na ba? O binaliwala lahat ng kulang
Ninais kong minsan buhay mo'y mabago
Ngunit paulitulit lamang kitang nabibigo

Minsan ko nang narinig salmo mo at dalangin
Habang nakapikit ka't binubulong ito sa hangin
Tahimik na pinipigilan ang aking pagluha
Dasal na iyong dalangin sana'y makuha

Panakip butas sa malaking pagkakamali
Kinukwestyon maging ang yong pananatili
Minsan mas masakit na ikaw ay nasaking tabi
Gayong iba ang nasa panaginip sa gitna ng gabi

_Ayreen

August 12 2020

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now