PAGIBIG KO'Y IKAW

46 2 0
                                    

Ikaw ang pagibig sa bawat berso ng tula
Bawat tugma, Bawat talata Ikaw ang simula
Ikaw ang Sakit, saya at bawat emosyon
Pighati at ngiti Ikaw ang natatanging rason

Isang pagibig para sakin ay Sagrado
Sa lahat ng ito Sayo ako sigurado
Kahit gaano karami ang tao sa mundo
Ikaw parin ang pipiliin sa bawat segundo

Ikaw ang tulang walang hirap kong kinabisa
Kabisado ang bawat saya at pagdurusa
Batid ang pinakatatago mong mga Sikreto
Napakinggan ang pinakaluma mong kwento

Makaramdam man ng saya, lungkot, galit o pag ika'y kabado
Bawat kilos mo at galaw ay aking kabisado
Walang inilihim Maging mga nagpeklat na sugat
Hahawakan ka sa Ligaya o sa problemang mabigat

Lahat ng tala sa langit ay aking nabulungan
Ang kasagutan ay sayo ko nasumpungan
Sa magulong mundo Ikaw ang aking Pahinga
Sa Buhay na ito Ikaw ang aking Paghinga

Dec 18'2019

Excerpt of HerWhere stories live. Discover now