-25-(YUKI PARKER)

319 5 0
                                    

"Bentley?" Tawag ko sa kaniya habang nakatitig sa kisame ni baby damien na puno ng glow in the dark na mga bituin at mga buwan, first quarter, full moon, last quarter, new moon

"Ate?"

"Alam mo ba kung sino ang crush ng kuya mo?" Tumingin na ako sa kaniya

"Baka po magalit si kuya kapag sinabi ko sa'yo, ate." Takot niyang sambit sa akin

"Wala naman ang kuya mo. C'mon, tell me. Hindi ko sasabihin 'kay kuya mo kanino ko nalaman."

Napabuntong hininga siya bago mag-salita "Si ate Yuki po. Yuki Parker po."

'Yu-yuki. S-si yu-yuki ang crush ni baby damien. Bakit 'di ko alam 'yun. Naging sila ba? Naging girlfriend ba siya ni baby damien?'

"Na-naging si-sila ba?" Putol putol kung tanong sa kaniya

"Opo. Isang taon rin po silang naging mag-girlfriend at mag-boyfriend. 'Di ko alam kung paano sila nag-hiwalay. Ang alam ko lang si ate Yuki ang nakipag-hiwalay." Bakit 'di niya sinasabi sa akin na naging sila ni Yuki. Kina-kaibigan ko pa naman si Yuki. Close pa naman kami. Pinag-pareha ko pa sila sa duladulaan namin sa filipino. Bakit? Paano? Paanong naging sila? Paano sila naghiwalay? Bakit sila naghiwalay

"Ate?"

"Huh?" Tanong ko 'kay Bentley ng maramdaman ko ang kamay niyang nasa pisngi ko

"Huwag ka pong umiyak. Alam mo bang pangit lang ang umiiyak. Magiging gurang ka 'daw. Dadami raw po ang wrinkles niyo." Ngumiti ako sa kaniya at ako na ang nag-punas sa luha kung 'di ko alam na naluluha na pala ako

"Kapag po pinaiyak ka po ni kuya, sabihin mo lang po. Andito po ako para mag-punas ng luha mo. 'Yan po ang sinasabi ni momma kapag umiiyak kami. Pag-nakita mung nag-chat sina kuya at ate Yuki, at nagselos ka. Pagselosin mo rin siya." Natawa ako sa sinabi niya

Seducing the cold Heirloom of Servantes Where stories live. Discover now