-23-(GIRLFRIEND)

308 6 1
                                    

Gusto kung mag-sinungaling sa kaniya Pero hindi ko kaya

"Oo." Mahina kung sambit

"Ba't 'eto ang pinili mung panuorin natin kung takot ka naman pala sa multo?" Nakatitig parin siya sa mata ko

"Dahil gusto mo ang mga multo, di ba? Nakita ko kasi sa kwarto mo noong mag-10 ka. May mga collection ka ng mga libro ni R. L. STINE. Iba-ibang volume. May mga English horror books karin. Japanese horror books na naka-translate sa English." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at lalo akong niyakap

"Ang dami naman alam ng girlfriend ko." Natulala ako sa kaniya dahil sa sinabi. Naramdaman naman niyang nakatitig ako sa kaniya

"Bakit?" Tanong niya at kumuha ng popcorn

"First time ko kasi'ng marinig ang girlfriend galing sa bibig mo."

"Masanay kana ngayon." Hindi na ako nag-salita upang makapag-panuod siya ng maayos

Nang matapos ang pinapanuod namin ay lumabas na kami

"Balik na tayo? May practice na kayo mamaya."

"Dito na muna tayo." Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napangiti ako ng sobra sobra

"Pero kailangan na natin bumalik. Baka pagalitan ka ng coach mo."

"Hindi 'yun magagalit. Malakas kaya ako sa kaniya. Lubusin na lang natin ang date natin."

"Sa susunod na lang ulit. Bibili muna tayo ng pizza sa Greenwich at lasagna para sa mga kaibigan at coach mo, tapos babalik na tayo. May kakausapin pa ako mamaya." Hinila ko siya papasok sa greenwich

Nasa likuran ko lang si baby damien habang nag-oorder ako.

"Limang box ng Hawaiian pizza at sampong large ice tea. Take out." Kinuha ko ang credit card ko at inabot sa kaniya pero nakatitig lang siya sa likuran ko

Seducing the cold Heirloom of Servantes Where stories live. Discover now