-22-(DATE)

332 7 0
                                    


"Baby damien, may tatanungin sana ako?" Tanong ko sa kaniya habang nag-lalakad kami sa corridor ng court. Ilang liko pa para makaratng talaga kami sa basketball court

"Ano 'yun?"

"Ano bang feeling kapag may sinalihan ka? Tulad ng basketball, volleyball, tennis, soccer at Cheerleaders?"

"Masaya, nakaka-enjoy. Kapag may nanunuod sayo at pumapalakpak, parang nakahiga ka sa ulap sa sarap ng pagbati at pagpalakpak nila sayo. Bakit mo natanong? 'Di ba nakisali ka naman ng fencing, volleyball at ibang laro?"

"Gusto ko lang malaman. Tsaka gusto ko rin sumali kila Shelly. Oo, nakasali na ako, pero kami lang naman na mag-kaka-mag-anak ang nag-lalaro."

"Cheerleaders sila Shelly? Ba't ka sasali doon?" Napahinto si baby damien sa pintuan ng basketball court kaya huminto rin ako

"Oo, gusto ko lang. Para may experience naman ako sa ganun." Nakangiting kung sambit

"Hindi ako papayag sa gusto mo. Kahit na hindi ka man nag-paalam sa akin. Hindi ka sasali doon. Tapos ang usapan." Salubong ang kilay niyang tumalikod sa akin at pumasok ng court

"Hala, galit na naman na siya sa akin? Wahh! Papa god, wala naman akong ginawang mali, eh."

Nakangusong pumasok ako sa loob. Ang mga kaibigan niya ay nakahiga sila na hugis pabilog sa gitna ng court. Umupo ako sa tabi ni baby damien pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin

"Baby damien, galit ka ba?"

Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata "Hindi ka sasali doon kila Shelly, okay?"

"Pero naka-oo na ako, baby damie"

Umalingawngaw ang boses ni baby damien sa loob ng basketball court

"Ba't ka sumigaw, Damien?" Tanong ni Ethan

"You shouldn't say yes to them! It's to dangerous for you!" Galit niyang sigaw habang nakatayo sa harapan ko at naghihilot ng sintido

"I just want to experience what they experience in cheer dancing." Mahina kung sambit

"You have right to experience that, but, Ezra it's to dangerous for you. They will throw you in the air." Mahinahon na niyang sambit

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon