-18-(MINE.)

451 6 0
                                    

"Nabasa niyo naman kung ano ang first scene natin, diba? Ikaw damien, doon ka muna sa may niyog, hintayin mo ang signal sayo ni narco. Joaquin, at Markov sumabay kayo 'kay damien. Mag-kakaibigan kayo dito. Ikaw Shelly, Liza, Leah, kapatid kayo dito ni Yuki. Habang naglalakad sila damien habang nag-kwekwentuhan ay nasa likuran kayo ng malaking bato. Walang mag-sasalita sa inyo, just move lang. Gawin niyo na lang ang susunod para matapos agad."

Nagsimula na akong mag-video pero sa kalagitnaan ay hindi na sineseryoso ni damien, pinause ko ang kamera at umayos ng tayo

"Damien! Kailangan mung mag-seryoso!" Sigaw ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya at dahan dahan umupo sa maliit na bato sa tabi ng malaking bato. Lumapit ako sa kanila habang hawak ang malaking payong

"Ba't ang lamig lamig mo kasi sa akin. Hindi mo na ako tinatawag na baby damien. Tapos, heto oh, pawis na pawis na ako hindi mo man lang ako lalapitan at pupunasan. Kayo na lang ang magpatuloy." Sambit niya

"Mag-ayos nga kayo. Mamaya na ang tampuhan." Seryosong sambit ni Ethan pero 'tong mga kasama niya

"Paano na 'yan? Babagsak si damien sa Filipino panigurado." Bulong ni Joaquin na nasa tabi ko

"Talaga. Kapag hindi siya nakapasa sa Filipino, posibleng maiiwan siya sa grade 10. Tapos tayo nasa grade 11 na." Sambit ni Markov at umiling iling

"Mag-pahinga muna kayo. Mamayang hapon na lang natin, ituloy." Sambit ko sa kanila.

Iniligpit nila ang mga gamit namin at naunang pumasok sa resort nila damien

"Tara na." Sambit ko sa kaniya at pinayungan ko siya. Inilahad ko yung kamay ko sa harapan niya kaya nag-angat siya ng tingin

"Bati na tayo?" Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Nakangiting inabot naman niya ang kamay ko at tumayo

"Huwag na tayong mag-aaway, okay?" Tanong niya sa akin kaya ngumiti lang ako at tumango

Seducing the cold Heirloom of Servantes Where stories live. Discover now