Chapter 9: Back to Back

255 8 3
                                    

Can things go back the way they are before?

================================================================

Binuksan ko yung windshield ng sasakyan. Nagreklamo naman yung driver kasi daw lumalabas yung aircon. Sabi ko naman patayin na lang niya yung aircon. HAHA. Ako yung master dito eh. Hahaha! Wala na siyang nagawa kundi patayin yung aircon at buksan din yung windshield niya para pumasok yung hangin.

"Nahihilo ba kayo master?" tanong ni Bruno sa akin na mukhang nagaalala.

"Hindi. Okay lang ako, gusto ko lang yung sariwang hangin." sabi ko naman.

Okay lang naman ako sa aircon, pero ayoko nun sobrang lamig. Naninigas kasi mga daliri ko. Tapos nanginginig ako. Siyempre manginginig ako, malamig nga eh. Pero mas malamig sa bundok. Wala lang, gusto ko lang sabihin. Hahaha! Sariwa naman ang hangin dito dahil napapalibutan kami ng mga kapatagan at mga ilog at mga kalabaw na tumatae kung saan-saan.

And speaking of kalabaw, bat nga pala minsan sinasabi ng mga magulang na napulot lang daw tayo sa tae ng kalabaw? Eto ang explanation dyan. Ang kalabaw ay isang masipag na hayop diba? Di mo makikitaan ng bakas ng katamaran. Yung katamaran nila ay nailalabas nila sa form ng tae. At tayo? Diba tamad tayo?(not all, but at some times, you know it's true, don't be a hypocrite). Kaya sinasabi yun ng mga magulang natin sa atin, kapag ayaw natin sumunod sa mga utos or something. 

Hindi ako mapakali. Madami akong mga tanong na gustong masagot. Kinausap ko kanina si Don Kurisbunde kaninang umaga. Don K tawag ko sa kanya at ayos lang naman daw yun sa kanya.  Ang haba kase nung pangalan niya at tska minsan pa nga nickname mo na nga, papaiksiin pa. Ang tamad na nun sobra, dapat acronym na lang name mo para hindi na sila mahirapan. 

Tinanong niya kung okay na daw ako. Ilang araw din akong nagpahinga. May namuong dugo daw sa ulo ko kaya kailangan pang bisitahin ako ng doktor para masigurado daw na maayos ang paggaling ko.

"Okay na po ako. Gusto ko na nga ulit mangisda eh. Hahaha." sabi ko.

"Travis... alam mong mali ang ginawang mong pagtakas. Tignan mo ang nangyari sa iyo. Muntik ka nang mamatay!" sabi ni Don K. Malakas at matigas ang boses ngunit may halong pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ba ang nangingibabaw, yung galit niya o pag-aalala.

"Sorry po, Don K. Pero sana maintindihan niyo, gusto kong tulungan ang sarili ko, ayokong magmukmok dito." sabi ko.

"Pero hindi iyon katwiran para sayangin mo ang buhay mo!" sabi ni Don K. Narealize ko na mas galit nga siya. "Gusto mo bang mamatay nang hindi naaalala ang lahat? Nang hindi naaalala kung mayroon ka bang regrets sa buhay mo?"

Narealize ko din na nagiging madrama na yung scene. which is not my thing... Kaya bago pa maging madrama ang lahat..

"Okay okay.. Naiintindihan ko na kayo Don K. Maling mali ang ginagawa ko.. kaya bilang kabayaran.. gagawin ko kung ano man ang nais niyong ipagawa!"

Nagsisi ako sa mga sinabi ko...

Tumigil yung kotse sa harap ng parlor.

DOG EYES MODE!!!!!!!!!!!!!!!!!!

-ito ay isang mode kung saan yung mata mo ay nagiging sobrang cute na parang si Hello Kitty at nakakaawa na parang si Gloria habang nasa wheelchair.(at least naawa ako. lol) Kadalasang itinuturing bilang last resort o kapag wala ka ng magawa kundi ang magmakaawa. In short para kang asong nagmamakaawa para sa pagkain.

"Bruno... kailangan bang sa parlor talaga?" tanong ko kay Bruno. *DOG EYES*

"Master, gumawa kayo ng promise kay Don Kurisbunde hindi ba?" *DOG EYES*

Twisted - NKNY PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon