Chapter 4: Presentation, Analysis and Interpretation of Data

497 17 6
                                    

Nanaginip ako.

Hawak ko kamay niya habang naglalakad.

Nag-uusap kami.

Habang tumatgal ang aming pag-uusap, mas lalong humihigpit ang paghawak ko sa kamay niya.

Pero may mali,

Kapag sinubukan kong tignan ang kanyang mukha niya, lumalabo ang paningin ko.

Gusto kong tawagin ang pangalan niya,

ay mali,

hindi ko matandaan,

Ngaunit nang sinubukan kong magsalita.....

Nakatapak ako ng tae.

Kamusta? Minsan naglalakad ako sa tabing ilog. Minsan naman nanghahabol ako ng manok. Minsan natutulog ako sa ilalim ng puno. At madalas, nananaginip ako na nakatapak ako ng tae.

Bakit kaya? Lahat ng panaginip ko nagtatapos sa tae?

Nandidiri ka na ba sa akin? Hindi naman ako uutot ng walang paalam eh. Siguro nakakain ako ng tae nung bata ako. Siguro naging trending yung tae? Siguro galing ako sa future tapos puro tae pala sa future.

Siguro tae ako dati bago ako naging tao. Siguro pinaglihi ako sa tae. Ano sa tingin mo? Kanina pa ako nagmomonologue dito at nagmumukha na akong timang.

Pero, hindi ko kilala ang aking ina.

Mali ulit.

HIndi ko siya maalala.

In fact...

HIndi ko maalala kung sino ako....

JOKE. HAHAHAHA.

Hindi ako madrama. Sa katunayan kapag umuwi ako, lahat ng makakita sa akin ngumingiti. Grabe noh? Parang may magic.

Gumagabi na. At nabobored na ako. Nasa ilog pa din ako., ang sabi nila pumunta daw ako dito parati, baka raw may maalala ako. But no luck. Lagi na lang akong nananaginip at nakakatapak ng tae.

Sino kaya ang babaeng yun?

Bakit may tae palagi?

Bakit ang gwapo ko?

I've been studying a lot.

Iba't ibang mga tao araw-araw.

tinuruan nila ako ng iba't ibang bagay.

Minsan tungkol sa history.

Minsan naman yung practical tulad ng taekwando.

Minsan tinuruan akong mangisda.

HIndi ko man maalala kung ano ako dati, pero lahat ng nararanasan ko ngayon, tingin ko hindi pa talaga ito nararanasan.

Naglalakad pa din ako pauwi. Madalim na ang kalangitan. Sanay na ako dahil araw-araw akong ganito.

"Master!" tawag sa akin ng isang lalakeng halos kasing edad lang.

"Diba sinabi ko huwag mo na akong tatawaging master?" sabi ko.

"Pero master, kapag may nakarinig, papalayasin nila ako dito!" sabi niya.

"Hayy, pero kapag nasa ilog tayo at malayo sa bahay, tawagin mo ako ng kahit ano maliban sa master."

"Ah.. Yes, master!"

Oh siya? Siya nga pala si Bruno. Yun ang tawag ko sa kanya. Pinilit niya akong bgiyan ko siya ng nickname, eh yun yung unang pumasok sa isip ko. Niligtas ko kasi siya mula sa bingit ng kamatayan...

Twisted - NKNY PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon