Chapter 8: LanghapSarap

289 13 6
                                    

The route is indeed long and twisted...

And another will entangle to yours...

Is the finish line really your goal?

==========================================================

Humans are very weak creatures, they're powerless and cowards. And because of their cowardice they can hurt others and even trample on their hearts as though it were nothing.

They wish to be strong to protect themselves and find comfort in distuingishing between the strong and the weak.

  

Therefore all humans are weak.

Kamusta mga tao? HA-HA-HA-HA! Namiss nyo ako?

MUKHA NYO! HA-HA-HA-HA!

Dapat yung mga spaces na nakita niyo at makikita niyo pa sa mga susunod niyong babasahin ay mayroong maraming spaces. But I hate those spaces. I detest them. You wanna know why? No, no, no. Humans like you cannot comprehend to my greater understanding of the whole universe.

May nagsulat na kase dito. Eh nung nakita ko yung spaces, nanlumo ako. Para bang.. OSIGE GAGAWA NA AKO NG CHAPTER, KASO TINATAMAD AKO KAYA DADAMIHAN KO NA LANG NG SPACES PARA HUMABA.

But I'm different. Hindi nga ako tao eh. HA-HA-HA-HA!

Medyo natagalan ako sa pagbalik, naadik kase ako sa isang manga kaya dami kong sinasabing english. Nakarelate ako kaya ko pinost dito. Angal ba kayo mga tao?

So, balik na tayo sa kwento. Balita ko may bago akong makikilalang tao ngayon ah. Feeling ko wala din syang kwenta. Tao nga e? HA-HA-HA-HA!

Dun ka nga. Bye muna mga tao. Eto na story nyo. Magbabasa muna ako ng Manga ng Freezing.

===========================================

Kailangan ko na mag-ready sa school. May pasok nga pala today. Hindi ko namalayan dahil natapos ko na yung mga project namin at sketches na hinihingi ng daddy ko. Natapos ko na din basahin yung libro para sa book report namin sa english. Pero may tinapos akong libro kagabi bago ako matulog. So basically, hindi ko talaga alam kung anong araw na ngayon..

*bangon*

*tingin sa salamin*

*smile* 

*labas ng kwarto*

Pagkalabas ko, nakita kong nakaabang si Mildred sa  harapan ng kwarto ko. Siya ang aking personal assistant. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa ng ganun, pero utos yun ni daddy kaya hindi ko pwedeng suwayin. Ngayong nasa college na ako, sa bahay na lang naman or special occasions nagiging P.A ko si Mildred. And she is my friend. Kahit na ganito ako..   

"Good morning miss! Handa na po ang breakfast niyo." sabi ni Mildred sabay nagbow.

Tumigil ako at tinignan siya. Nagkatinginan kami at ngumiti siya. Ngumiti din ako sa kanya. Ano bang dapat kong sabihin? Hmmm. Nakakasilaw ang sikat ng araw. Samahan mo ako sa CR. Kumain ka na ba? Hindi hindi..ahhhh! Wala, ano ba dapat?

Twisted - NKNY PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon