Chapter 5: Alice and the Beanstalk

390 16 18
                                    

Ano to?

Token?

Kaso luma na. More like ages ago. Dapat ba akong magulat? Uhm, magblush? Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng token na ito sa pinag-uusapan namin..

"Para saan itong token?" tanong ko.

"Yan yung token na binigay mo sa akin dati bago kami umalis papuntang India." sabi ni Lorence.

"Ohhh.."

"Hindi mo pa din matandaan?" tanong niya.

"HIndi pa din eh sorry.. Mukhang makakalimutin na ako. Hahaha.."

lumungkot yung mukha niya, ughhh.. hindi ko siya kaya tignan kapag ganyan yung mukha niya.. stoooop iiiit!

"Okay lang. Maaalala mo din yan, hihintayin ko na lang na mangyari yun." sabi niya, na may kasabay na ngiti sa kanyang mukha.

Hindi naman pala siya suplado, sa katunayan, mabait siya at sensitibo sa kanyang paligid. Pero yun yung unang beses na nakita ko siyang ngumiti..

"Saan mo gustong kumain?" bigla niyang sinabi.

"Ha? Diba nasa baba sila?" sabi ko.

"Alam ko naman na hindi ka pa komportable sa kanila eh. Ako na humihingi ng pasensiya. Tara na." sabi niya. nagsimla na siyang maglakad, kaya sumunod naman ako..

"H-ha? Hindi naman sa ganun pero..."

bigla naman akong nahiya, ano ba dapat yung sasabihin ko?

"Okay lang yun. Pwede mong sabihin sa akin na baliw sila at walang magawa sa buhay. Sanay na ako dun. Hahaha."

eh?

anong meron dito? It seems that, I can't see through him..

"Hindi kaya! Masaya silang kasama! Tsaka napakabait nila, yun nga lang minsan sobra na yung pagreact nila sa mga simpleng bagay.."

"Haha. Karaniwan na yan. Sa mga nakakasalamuha namin, dahil ako lang daw ang matinong kausap, ako lang ang nakakatanggap ng mga comments para sa kanila. Ako yung tumatanggap at hindi ko na pinaparating sa kanila. Kapag tinatanong na ako ni mama at papa, sinasabi ko na lang na 'napakasaya nila at nakilala nila kami'."

"All these years? Bakit tinatago mo sa kanila? sabi ko naman. "The truth hurts but it will set you free sabi nga nila." dagdag ko pa, para maging cool ako. :p

"Well, sabi din nila, some things are better left unsaid." sabi niya, oooohhh.. pabonggahan ng qoutes? psh.

"Pero sa ginagawa mo, nagsisinungaling ka din sa kanila. Lying also manifests in silence. Ilang taon ka ng nagsisinungaling."

"Haha, nakakatawa, matagal ko na din narealize yan. Pero ito lang yung magagawa ko para protektahan sila."

napatigil ako sa paglalakad..

that sad face.. that smiling face.. those lies and a mask.. what a coincidence.. I have had those also..

"Protektahan sila? Funny. Tinago mo sa kanila yung dapat nilang marinig. Nagsinungaling ka para ano? Para protektahan sila?

(sana sinabi ko agad sa kanya yung naramdaman ko, pero natakot ako)

Niloloko mo ba ako? Wala kang prinoprotektahan kundi ang sarili mo..

(hindi dapat ako nakuntento na makasama lang siya)

Pinipilit mong lumayo sa katotohanan..

(bakit ba ako natakot?)

Ikaw ang may sariling mundo. Tingin mo ba kakayanin mong lahat mag-isa? Hindi mo ba iniintindi yung mga nararamdaman ng nagmamahal sa'yo?

(Kung sinabi ko kaagad... edi sana.. edi sana..)

Twisted - NKNY PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon