Chapter 15

386 5 0
                                    

"W-What?" nauutal kong tanong sa sinabi niya.

"I'm serious, Ara. I really am. Now, will you allow me to court you?" he asked. I can see sincerity in his eyes.

"Bat ngayon ka lang? Kasabay ka lang namin umalis ha?" tanong ni Ali na kasalukuyang nanonood ng movie sa netflix na akala mo'y walang exams bukas.

"Natraffic lang." i said tsaka ako dumiretso sa kwarto. Before changing my clothes into my pajamas, lumabas muna ako para kausapin si Ali. "Kumain ka na?" i asked.

"Not yet. Busog pa 'ko. Review na ba tayo?" tanong niya. I nodded before entering my room. Nang makapagpalit na ako ng damit ay lumabas din agad ako para magreview kasama si Ali.

"Nagusap na ba kayo ni Jazen? Anyare ba dun?" tanong ni Ali pero nagkibit balikat nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Matapos naming magusap ay nagsimula na kaming magreview para bukas.

The next day ay maaga kaming gumising ni Ali. I cooked for our breakfast at nang matapos ako ay naghain na muna si Ali para makaligo na ako. After taking a bath and fixing myself ay pumunta na ako sa dining area para kumain. Habang kumakain kami ni Ali ay nagrereview pa rin kami para sa exams namin mamaya.

"Sila Allen oh." sabi ni Ali sa akin habang tinuturo si Allen na kumakaway samin sa hallway.

"Aga niyo ngayon ah? Anong meron?" tanong ni Allen.

"May exam kami ngayon. Gantong oras pala klase niyo?" tanong ko.

"Oo, gantong oras. Goodluck LM girls! Una na kami ah?" ani Allen.

"Matsala hahaha!" sabi naman ni Ali tsaka na kami nagpaalam sa kanila. Habang naglalakad sa hallway ay may nagnotif sa phone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko 'yon.

From: King Scorpion
good morning, God's luck on your exams :))

Pinasok 'ko na agad ang phone 'ko sa loob ng bag ko nang mabasa ko ang message ni Jazen. Pagdating sa room ay saktong kasunod lang namin  ang proctor namin para ngayong araw.

Habang nagsasagot ng exam ko ay natulala ako tsaka 'ko naalala ang nangyari kahapon. I don't know if he's serious with his words dahil hindi naman siguro ganon ang isang Jazen Falcon. Paano kung trap lang pala? Paano kung each a prank lang pala? I'm sure about my feelings for him pero how about him?

"Last 5 mins." rinig kong sabi ng proctor namin kaya napatingin ako sa kanya at sa test paper ko na andami pang walang sagot. Agad kong sinagutan ang mga part ng exams na kaya kong sagutan ng mabilisan. Sino ba kasi nagsabing matulala ako sa kalagitnaan ng exam wanep.

"Tulala pa more." sabi ni Ali sa akin. Kasalukuyan kaming nasa canteen at nakapangalumbaba dahil sa pagkadismaya. "Ba't naman kasi yarn nakatulala sa kalagitnaan ng exam?"

"Wala, hirap kaya ng exam." sabi ko tsaka ako tumingin sa malayo.

"Mahirap? Kaya idaan nalang sa pagtulala? Ano nga ulit yon? Sino nga ulit magaabogado?" pangiinis ni Ali.

"Ano, kamusta exams?" napatingin kami sa taong nagtanong sa amin na kasalukuyang nakatayo sa gilid namin.

"Nakakaubos ng braincells." sabi ko tsaka ako tumungo.

"Magaabogado ka diba? Oh ba't parang hindi? Ipaglaban mo grades mo, huy!" sabi ni Allen kaya tumingin ako sa kanya tsaka ako nagpout.

"Nasaan si Jazen?" tanong ko.

"Babagsak na't lahat, nagawa pa ring humarot ni tanga." sabi ni Ali sa akin.

"Tumanda ka sanang dalaga. Bitter ka today eh." sabi ko naman.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now