Chapter 12

373 8 3
                                    

Ara's POV

"Pucha late na ko!" agad akong napatayo mula sa higaan ko tsaka ako dumiretso sa C.R. Ilang minuto nalang bago magstart ang klase kaya nagmadali ako sa pagkilos.

Pagtapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng white oversized shirt tsaka cycling dahil nakalimutan kong kumuha ng damit sa closet dahil sa pagmamadali. Paglabas ko mula sa C.R. ay nakaamoy ako ng niluluto mula sa kusina kaya nagtaka ako. Agad akong dumiretso sa kusina at napahinto dahil sa kasalukuyan kong nakikita.

"Isn't it too early to take a bath?" tanong niya.

"A-Anong ginagawa m-mo dito?"

"Don't you remember what happened last night?" tanong niya at agad akong napatakip ng bibig ko.

Ma, hindi pa 'ko ready for mature roles, Ma!

"L-Last night? May n-nangyari?" i asked him at kalmado lang siyang tumango habang ramdam kong nagpapanic yung laman loob ko. Agad akong napatingin sa katawan ko habang kinakabahan pa rin.

"Wala kang maalala?" tanong ult niya pero nanatili akong nakatingin sa katawan ko. "We spent our night with Allen, Ali and Kio. You're completely drunk last night, kaya i guess wala kang maalala. Nothing happened between us, you idiot." he said at agad akong napatingin sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na walang nangyari. Opo, wala po. At dahil Sunday ngayon, at wala si Ali ay hindi ako makakaattend ng Sunday service dahil nakakahiya ring iwanan si Jazen dito kaya nakinig nalang ako sa podcast habang nagaayos ng sarili dito sa loob ng kwarto.

Paglabas ko ay bitbit ko ang ipad ko at nagpeplay pa rin ang podcast na kanina ko pa pinapakinggan. Nang matapos yon ay saktong tapos na magluto si Jazen kaya dumiretso na ako sa kusina at tinulungan siyang maghapag.

"Narealize mo na bang walang pasok ngayon?" tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Have you ever thought of living here?" i asked at napatingin siya sakin. "Charot." Nagpatuloy ako sa pagkain ng tahimik dahil ganon din si Jazen. Hindi ko magawang dumaldal dahil may natitira pa namang konting hiya sa katawan ko hehe.

After eating ay ako na ang nagligpit at naghugas. Buti nalang pumayag si Jazen. After that ay pumunta ako sa living room at nakita ko siya do'n na nakaupo sa sofa at nanonood ng K-drama sa TV. Nakita ko pang Dr. Romantic ang pinapanood niya. Nakalimutan ko palang tanggalin ang USB ko don.

"You enjoy watching k-dramas like this?" tanong niya at tumango ako. "I thought you hate Science?"

"Changed my mind about that." sabi ko at mukhang satisfied na siya sa sagot ko kaya hindi na ulit nagtanong. "Why are you here pala? Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. And do you have any plan of going back to your condo?"

"Ali asked me to stay here. She told me not to leave you." Napahinto ako sa sagot niyang iyon at di ko alam kung anong mararamdaman ko. "Uuwi ba si Ali dito?" he asked me.

"Wow! You speak tagalog?" amazed kong tanong.

"Idiot. Of course. What do you expect?" sagot niya.

"Oh. I'll text Ali lang, tanungin ko kung uuwi hehe. Enjoy watching!" sabi ko at dumiretso ako sa kwarto to get my phone.

To: Ali
hoy uuwi ka pa ba dito?

From: Ali
malamang, ayaw mo ba? paalisin ko si Jazen eh

To: Ali
tangang 'to. sige na ingaat, labyu <33

After texting her ay pinuntahan ko na si Jazen sa sala to tell him na Ali's gonna be here today.

"Uuwi daw dito si Ali ngayon." i said at tumango siya pero nakatuon pa rin ang tingin niya sa TV. "Ayaw sana kitang pauwiin pero alam kong kailangan mo din mag-aral. Hehe, chour. Pero okay lang sa'kin magisa dito."

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now