Chapter 8

415 10 2
                                    

Ara's POV

Nagising ako ngayong araw dahil sa naaamoy kong luto mula sa kusina. Pagupo ko ay bigla akong  napasapo sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Pagtayo ko ay nakakita ako ng baso na may tubig sa study table ko. Hindi na ako naghesitate na inumin 'yon dahil malamig pa at mukhang kakalapag lang sa table ko.

Nang medyo nawawala na ang sakit ng ulo ko ay agad akong dumiretso sa C.R. para maligo. After doing my morning rituals sa C.R. ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng white oversized t-shirt at black na cycling dahil weekend naman ngayon at dito lang ako sa condo.

After fixing myself, i fixed my bed then i checked my phone. Nang maopen ko ang Instagram ko ay naalala ko si Jazen. Si Jazen, yung crush ko, yung crush ko na naghatid sa akin kagabi. Sana all kayo dyan.

Agad akong nagdm sa kanya nang magawi ako sa profile niya.

aragonz: goodmorning!
thank you for driving me crazy
i mean thank u for the ride last night, sana hindi kita naabala. i'm sorry for my drunk self. tnx <33

Pagtapos ko siya i-dm ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto bitbit ang phone ko, baka sakaling magreply siya. Pagdating ko sa sala ay naaamoy ko yung luto mula sa kitchen.

"Kala ko ba magi-stay ka last night with your parents, Ali?" i shouted from the sala habang namimili ng movie sa netflix.

"You asked me to stay." rinig kong sabi mula sa kusina. Pero hindi boses ni Ali, kundi boses ng lalaki. Napalingon agad ako sa gawi ng lalaking sumagot sa tanong ko at tsaka ko naalala yung kagabi. "Don't leave yet?"

"W-What are y-you doing here?" tanong ko.

"Uulitin ko pa ba? You asked me to stay, lady." sabi niya tsaka siya bumalik sa kusina. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na sundan siya sa kusina. "By the way, you're welcome."

"Ha? You're welcome? Saan?" gulat na tanong ko habang pinapanood siyang maglapag ng mga niluto niya sa table.

"The DM. Instagram?" he said at naalala kong nag-dm pala ako sa kanya kanina pagtapos kong maligo.

"You know how to cook pala. So husband material naman po pala." i said tsaka ko siya tinulungang maglabas ng plato at baso.

"What do you expect? I don't want to starve." he said. Napakamaldita kahit kailan. "You don't have classes today?"

"Wow concern! Wala po master." sagot ko sa tanong niya. "Safe bang kainin 'tong mga 'to?"

"I will never waste my efforts just to poison someone." he said.

"Ma, I'm sorry ma!" sabi ko pero pero hindi niya ako pinansin. "Let's eat!" I said tsaka siya umupo. Hindi ko maimagine na sabay kaming kakain ng lalaking 'to.

Awkwardness filled the atmosphere. Tahimik kaming kumakain at kahit isa ay mukhang walang balak magsalita. Nagiisip pa rin ako ng topic at balak ko sanang igoogle kaso baka magtaka siya o kaya ay ayaw niya ng nagpophone habang kumakain.

"Uhm, Anong oras ka uuwi?" tanong ko at humarap naman siya sa'kin.

"Do you want me to go now?" he asked. "I'm not yet done with my food, are you asking me to leave now?"

"OA ka ha! Nagtatanong lang ako! Daig mo pa Legal Management student eh."

"When will Ali go back here?" tanong naman niya bago uminom ng tubig.

"Itetext ko palang, Sir." i said and i saw him rolled his eyes on me! What is with this guy?

To: Ali
uuwi ka today?

Pagkatext ko kay Ali ay agad ko ring nareceive ang reply niya bago ko pa maibaba sa table ang phone ko.

From: Ali
bakit? ayaw mo na ba kong pauwiin kasi kasama mo si king scorpion?

to: Ali
TANGA

to: Ali
ano nga?

From: Ali
malamang girl, magaaral pa ko. papunta na me dyan, see ya with papa Jazen <33

Napairap nalang ako nang mabasa ko ang reply ni Ali sa akin. Pagtapos kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan. Sabi niya pa ay siya na daw ang maghuhugas pero I insisted. Bago siya umalis sa kusina ay sinabi ko sa kanya na pauwi na si Ali dito.

"Do you have any plan of going home?" i asked him na ksalukuyang nanonood ng movie sa Netflix.

"Do you want me to go now?" tanong niya. Favorite question niya ba yon?

"I want you, pero baka hanapin ka ng parents mo." i said. "Kung wala lang maghahanap sa'yo, aba edi dito ka nalang forever."

"I will wait for Ali to arrive. Don't make me leave. Kasi kahit paalisin mo ko, hindi ako aalis." he said which left me shocked.

Umupo ako sa maliit na couch habang siya Jazen ay nakaupo sa isa pang couch. I don't wanna feel the awkwardness between us kaya idinistansiya ko muna ang sarili ko mula sa kaharutan kong taglay.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang tunog ng doorbell at napansin kong sabay kaming napatingin ni Jazen doon. Naramdaman ko ring tatayo siya para buksan 'yon pero agad akong tumayo para pigilan siya.

"Ako na." i said tsaka ako naglakad papunta sa pinto. "Wow, speed!" sabi ko nang makitang si Ali ang nasa harap ko ngayon. Masyadong mabilis ang biyahe niya ngayon though hindi naman ganon kalayo pero matagal pa rin ang biyahe mula kanila papunta dito.

"Oh, nandito pa si-" gulat niyang sabi. "Omg! Ninang na ba 'ko?" tanong niya na ikinagulat ko at mukhang si Jazen din. Agad ko siyang hinatak papunta sa kwarto niya dahil sa kahihiyan.

"Alam mo ikaw—" sabi ko at akmang babatukan siya. "Wala talagang preno yang bibig mo!"

"Tangang 'to! Gusto mo rin naman." sabi niya tsaka niya ibinaba ang mga gamit niya. "Hindi pa ba uuwi 'yon?"

"Hinintay ka lang dumating, ayaw umalis eh." sabi ko at tumango naman si Ali. "Puntahan ko lang. Wag ka na sumama at baka kung ano nanaman masabi mo."

Paglabas ko mula sa kwarto ni Ali ay saktong nakita ko si Jazen na handa nang umalis.

"Alis ka na?" tanong ko.

"Ayaw mo ba? I can still stay if you want me to." sabi niya na ipinagtaka ko. "Kidding, yep aalis na 'ko."

"Ah, sabihin ko lang kay Ali." i said tsaka siya tumango. Pinuntahan ko si Ali sa kwarto para sabihing aalis na si Jazen. "Alis na daw asawa ko." sabi ko tsaka ako binato ng unan ni Ali.

Hinatid ko si Jazen sa labas ng pinto namin. Dapat ay hanggang sa lobby pero wag na daw dahil kaya naman daw niya magisa.

"Thank you ulit." sabi ko.

"For what?" he asked.

"For the ride and for staying with me. Idamay mo na yung breakfast." i said with a smile.

"Uy! Aalis ka na? Ingat ka ha! Mamimiss ka netong kaibigan ko!" walang hiyang sabi ni Ali tsaka siya agad bumalik sa loob at naiwan kaming dalawa ni Jazen dito.

"No problem." he said at tumango naman ako. "Tell your friend that she doesn't have to worry. I will miss you too.."

----------------------------------------------------

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now