KABANATA 33: ANG HULING MATUWID

26.5K 49 6
                                    

KABANATA 33/EKSENA 33: ANG HULING MATUWID
Simoun:
Hubad n a sa pananim ang dako ang parang lilipat na sa ibang dako ang baling wika ng ilan tungkol sa akin. Kapag dumating ang isang nagngangalang Basilio ay patuluyin mo agad.

(May kakatok)

Basilio: Ginoong Simoun. Ako’y nagging isang masamang anak at kapatid. Hindi ko pinansin ang aking ina at ang pagkakapahirap sa aking kapatid, pinarurusahan na ako ng Diyos! Ngayon ay iisa na lamang ang nasa isip ko ang gantihan ng sama ang kasamaan ng post ang poot at ang karahasan ang karahasan! –Alam ko pong apat na buwan na ang lumipas ng kausapin ninyo ako tungkol sa inyong mga balak. Tumanggi ako sa pakikianib at nagkamali ako. Tama kayo, hindi rin ako naki-isa sa himagsikang muntik ng sumilak nitung nakalipas na tatlong buwan at kalahati. Ang naging kabayaran ay ang aking pagkabilanggo nang mabigo ang kilusan. Utang ko sa inyo ang aking paglaya. Naparito ako upang sabihin sa inyong bigyan ako ng sandata at handa akong tumulong sa inyo at sa iba pang naa-api!
Simoun: Oo may katuwiran ako nasa panig ko ang katuwiran at katarungan sapagkat ang ipinagtatanggol ko ay ang kapakanan ng mga api. Salamat binate, salamat! Pinawi mo ang aking agam-agam at ang pagdadalawang-isip.

(tatayo si Simoun)

Simoun: Ang kilusay nabigo pagka’t nilayuan akong. Marami dahilan sa panlalamig ko sa kahuli-hulihang sandal. Noon ay ako ang hari ng aking kalooban sapagkat umiibig pa pala ako! Ngayo’y wala ng mahalaga para sa akin. Ngayon ay narito ka upang ibunsod ako sa pagkilos. Hulin a nang mamulat ang iyong mga mata. Sana’y nagtagumpay na tayong dalawa. Ako sa gitna ng mataas na lipunan nagsasabog ng kamatayan at nagpapasama sa iilang mabuti! Kayo naman ay kapiling ng bayan. Magpapa-loob sa kalooban ng mga may talino at kasakiman naman sa mga salapi. Sa bundok ko lamang nakita ang mga tunay na lalaki. Walang anuman ngayon, kung hindi tayo makalilok ng iisang bantayo’y na makinis at malinis, ang mga susunod sa atin ang gagawa nito. (may ipapakita kay Basilio.)

Simoun: Ito ba’y Nitro-Gliserina? Dinamita!
Basilio: Ito’y higit pa sa Nitro-Gliserina. Ito’y may halong mga tinipon na poot na tinimpi. Kawalang-katarungan at mga pang-aapi. Ito ang kahuli-hulihang sandata ng mga mahihingi lakas laban sa lakas at dahas laban sa dahas. Hindi pa natatagalan ay nag-aalinlangan ako ngunit napaw ang aking mga agam-agam ng ikaw ay dumating. Ngayong gabi’y sasabog at nagkakadurog-dugor ang mga mapanganib na maparil. Ang mga nagkakanlong sa ngalan ng Diyos lahat sila’y madudurog sa pamamagitan nito. Maririnig ng buong Pilipinas ang putok na dudurog sa mga walang anyong pantayog na ang pagkabulok ay aking pandali.

(hahawak sya sa balikat ni Basilio)

Simoun: Ngayong gabi’y magdaraos ng isang piging at ang kamparang ito ang siyang ilalagay sa gitna ng kroskong ipinasadya ko ang pagkakagawa. Sa pagkakataong iyon sapat na ang liwanag sa pook ngunit pagkaraan ng dalawampung minute ay lalamlam ang kanyang liwanag at kapag may nagtangkang gumalaw sa mitsa ay puputok. Ang isang kapsula sa loob. Sasabog ang Granada at kasabay nitong sasabog ang silid-kainang pinagtaguan ko ng mga saka-sakong pulbura na kikitil sa maraming buhay.
Basilio: Kung ganoon po ay hindi na ninyo kailangan ang tulong ko?
Simoun: Hindi. Ikaw ay may ibang tungkuling dapat gawin. Kapag narinig mo ang pagsabog, lalabas ang pangkat ni Kabesang Tales upang lubusin ang lungsod. Ikaw ang mamumuno sa mga taong baying handing lumaban. Dadalhin mo sila sa tindahan ni Quiroga upang bigyan ng mga sandata. Pamahalaan mo rin ang mga tulay at sasaklolo ka kung kinakailangan. Lahat ng tutol sap ag-anib sa atin ay kaylangang patayin.
Basilio: Lahat?
Simoun: Oo lahat! Lahat! Mga Indyo, Mestiso, Instik, Kastila. Nararapat na baguhin ang lahi. Ang mga amang duwag ay magbubunga lamang ng mga anak na busabus. Natatakot kaba?
Basilio: Sang ayon ako. Ano naman sa akin kung puruhin ako o dustahin? Hindi kinahabagan ng daigdig na ito ang inaapi ang mahirap ang mga babaing mahihirap. Ano ang tatanawin kong utang sa sangkatauhan gayong siya nama’y walang tinatanaw na aksyon?
Simoun: Iyan nga ang nais kong marinig. (kukuha ng rebolber) Sa ganap na ikasampu ay hihintayin mo ako sa tapat ng simbahan ng San Sebastian upang tumanggap ng mga huling utos at sa ika-siyam ay lumayo ka! Lubhang malayo sa daang anluwag.
Basilio: (kukunin ang rebolber) Hanggang sa muling pagkikita!


El Filibusterismo (Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon