KABANATA 25: TAWANAN AT IYAKAN

23.7K 36 4
                                    

KABANATA 25/EKSENA 25: TAWANAN AT IYAKAN
(nagtitipon ang mga binata)
Sandoval: Luwalhati nawa kay Custodio dahil sa kanyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa mga binatang may mabubuting kalooban!
Lalake 1: Narito si Isagani.
Tadeo: Si Basilio n asana ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito. Sana’y nalasing natin upang magsabi ng ilang lihim, mahahalagang lihim. Mga lihim na pangyayari ukol sa nawawalang mongha.
Macaraig: (sisigaw) Mga ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa pansit-lanlang; ang lumpiyang Instik sa lama’y  baboy ay patungkol kay padre Irene. Ang tortang alimango’y ipatungkol sa prayle at ang ika-apat na ulam na pansit gisado ay ipatungkol sa pamahalaan at bayan.
Lahat: Ipatungkol!
Isagani: Tutol ako.
Macaraig: Magtalumpati ka Tadeo!
Tadeo: Talumpati na lamang na natutunan ko sa klase.
Sandoval: Hindi maari, manggagaya ng pagiging ganun.

(Tatayo si Pecson)
Pecson: Kung walang prayle at walang Indiyo sa Pilipinas, Ano ang nangyayari sa kahabag-habag na pamahalaang mapapasakamay ng mga Instik?
Isagani: Kakain ng tortang alimango! (tila naiinip)
Mag-aaral: (sisilip sa bintana) Minamanmanan tayo!

(tatayo si Isagani at sisilip sa bintana)

Macaraig: Ah! Ang alipin ng bise-sektor ay pinaglilingkuran ng panginoon ng heneral.

El Filibusterismo (Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon