KABANATA 23: ISANG BANGKAY

39.6K 59 20
                                    

KABANATA 23/EKSENA 23: ISANG BANGKAY
Camaronccocido:
Ano ang mapapala ko sa pagmamasid sa mga to?
Macaraig: Si Basilio ay hindi dumalo sa pagtatangkal dahil abal sa pag-aaral at pag-aalaga kay Kapitan Tiyago at tyaka kakatubos pa lamang niya kay Huli.

(Si Simoun ay dahan-dahang papasok)

Simoun: Ano ang lagay ng may sakit?
Basilio: Halos hindi na tumitibok ang pulso. Walang ganag kumain, pinagpapawisan siya ng malamig kung medaling araw, talamak na ang lason sa buong katawan. Maaring bukas makalawa ay mamatay sya na parang tinamaan ng lintik. Isang munting dahilan, sulak ng kalooban o pagka-inis ay ikamamatay niya.
Simoun: Gaya ng pilipinas!
Basilio: Ang lalong nagpapahina sa kanya ay ang pananaginip, ang pagkatakot.
Simoun: Tulad ng pamahalaan. Basilio, pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat sandal. Sa loob ng iisang oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng budyat ko. Bukas ay wala ng pag-aaral. Ang pamantasan ay wala narin. Wala kundi dugo at patayan! Nakahanda na kami at tiyak ang tagumpay, kapag kami’y nagwagi lahat ng hindi tumulong sa amin ay ipalalagay naming sa kalaban. Nasilio, naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan o isang kinabukasan!
Basilio: G-ginoong SImoun…
SImoun: Nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka Basilio. Kasama ko si Kabesang Tales, nasa ibaba sya at naghihintay. Pinamunuan ko ang himagsikang ito sapagkat ibig kong iguho ang pituan ng Santa Clara at ikaw ang mamumuno rito upang kunin sa kumbento si Maria Clara.
Basilio: Si Maria Clara?
Simoun: Oo si Maria Clara.  Nais kong iligtas siya, nabuhay ako upang iligtas siya at tanging himagsikan lang ang makapgbubukas sa pintuan ng mga kumbento.
Basilio: Ngu-ngunit huli na kayo, nahuli na kayo.
Simoun: At bakit?
Basilio: Sapagkat si Maria Clara ay patay na!

(Biglang titindig si Simoun)

Simoun: Kasinungalingan!
Basilio: Totoo ang sinasabi ko Ginoong Simoun!
Simoun: Hindi totoo yan! Buhay pa si Maria Clara, kailangang mabuhay si Maria Clara. Naduduwag ka lang kaya sinasabi mo yan. Hindi siya patay at ngayong gabi ililigtas ko siya o bukas ay mamamatay ka!
Basilio: (yuyuko) Ito ang liham ni ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara. (iaabot ang liham)
Simoun: Namatay. Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kanya. (biglang aalis)
Basilio: Kaawang-awang lalaki!


El Filibusterismo (Script)Where stories live. Discover now