CHAPTER 9: Day 21

397 12 9
                                    

"Wag nga kayong maingay!"

"Dahan-dahan naman sa pag-abot!"

"Hoy baka mangasim ‘yan!"

"Wag ka kasing gigil magbuhos."

"Kuya, paabot ng evaporada."

"Hoy Kuya Vhoi, evaporada daw sabi ni Mae."

"Vrando!!! Bumaba ka nga dito. Tumulong ka dito!"

Ano ba ‘yung ingay na ‘yon?

Napainat ako ng mga braso. Pagbangon ko, andito si kuya Vrando. Malamang kwarto niya ‘to.

"Bakit?" tanong ko dahil nakatingin lang siya sa’kin.

"Wala. May regalo ako sa’yo dahil birthday mo!" sabi niya sabay abot ng isang box.

"Naks kuya. Reregaluhan mo ‘ko, for the first time?"

"Nagreregalo ako sa’yo every year ah?"

"Ah oo! ‘Yung mga happy birthday? Thank you ha!" sabi ko naman.

"Hoy! Seryoso. Bawing-bawi na ako sa regalo kong ‘yan. Gustung-gusto mo ‘yan. Tingnan mo man. Siya, bababa na ako."

Taun-taon naman may regalo sa’kin yung mga kapatid ko eh. Mga kahon, na ang laman eh gamit ko rin naman. Panigurado, ganon din ‘to.Tinabi ko na lang muna sa drawer ko ‘yung regalo ni kuya.

Gising na kaya si Mae? Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para tingnan kung natutulog pa siya. Dito na siya natulog kagabi. Ayaw niya magpahatid kaya ‘di ko na rin siya pinayagang umuwi mag-isa. Para na akong boyfriend nito ah? Well, para ko na rin naman siyang girlfriend. Pagpasok ko sa kwarto, wala na si Mae do’n. Pero ‘yung box kahapon nakapatong sa kama ko.

Matapos ang halik na ‘yon kagabi, niyakap niya ko."I miss you, Vinz. I love you. Come back, will you? Also, happy birthday!" bulong niya no’n.

Alam niya na pala na ako ang may birthday. Patay na patay talaga siguro sa’kin ‘yon, kaya pina-imbistigahan pa ako. Sa totoo lang, madaming patay na patay sa’kin. Pero iba ‘tong isang ‘to. Pinikot ako. Kakaiba rin siya ah, dare? Do’n nagsimula lahat ng ‘to. Pa’no kaya kung hindi niya ako napilit no’ng araw na ‘yon?Pero sa ugali naman kasi niya, parang wala siyang sinusukuan. Bigla-bigla na lang siyang dumating. Hindi ko siya kilala sa pangalan.  Pero kilala ko siya. Kilala ko na siya.

She is demanding. Childish din siya. Patient and crazy at the same time. She's like a bear. Pero mahilig manloko. Dalawang beses niya agad ako naloko no’ng simula pa lang. Akala ko umiiyak. Akala ko maghuhubad. Bully. Nambabatok at nananapak. Makalat, selosa at sadista. Mali-mali sa pangalan. She's thoughtful. Caring, pero mas malaking parte ng pagkatao niya ‘yung siga. Weird siya kadalasan but I like it. Do I, by any means, like her too? Do I?

Binuksan ko ‘yung box. Kwintas ‘yung laman na may pendant na Santan at may kasamang papel. "Lesson number 9. Don’t forget."
"Hoy! Ba’t ‘di ka pa naliligo? Ala-una na!" sigaw ni Mama. "Mag-aalas dos na, aba. Parating na mga tita't tito mo't mga pinsan. Maligo ka na dyan!" Pagkasabi, lumabas na rin agad si Mama.

Parang ang saya naman ng birthday ko ngayon. First time na uuwi ang pamilya namin mula sa Gapan. Minsan lang mangyari ang ganito. At iba pa ngayon, dahil may bagong tao sa buhay ko. At kailangan ko ipakita kay Mae na natutunan ko na ‘yung lesson number 5.

Naligo na ako at sinuot ‘yung regalo sa’kin ni Mae. Pagbaba ko, nakita ko si Mae na naka-apron at kasamang nagluluto ‘yung mga kapatid ko. Si Mommy naman inaasikaso ‘yung catering. At si Dad, ayon sine-set up yata ‘yung videoke sa veranda.

"Tingnan mo ‘yung mga iyan. Never tinulungan si mommy sa pagluluto. Pero ngayon, ang dami-dami nila dyan," sabi ni kuya Varon na andito rin sa corridor. Nakatingin lang kami sa baba, habang natatawa sa kilos ng mga kapatid namin. "Pang ilang araw n’yo na ha?" bigla niyang tanong.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon