CHAPTER 3: Day 3

633 15 6
                                    

6PM, the next day naglaro kami ng tropa sa Marilag Park. Inarkilahan namin ‘yung court ng four hours.  "Oy tropa, una na ako. May pupuntahan kami ni Sheila eh," paalam ni John David.

"Date na naman? Araw-araw na lang silang magkasama," reklamo ni Tyron nang nakaalis na si John.

Sinundan naman ng kadramahan ni Kenneth, "At least nga nakasama pa rin siya sa ‘tin ngayon. Eh tingnan mo ‘yung si Khritian, kasama na naman si Anilex.” Ang ki-clingy ng mga kaibigan ko. Parang mga babae. Putak pa ng putak, ang babakla.

"Hoy porke’t mga wala kayong love life, gumaganyan na kayo. ‘Pag kayo nagka-love life rin, magiging ganon rin kayo. Kaya pagbigyan n’yo na ‘yung mga lover boy natin. Pustahan, ‘yang si Vinz, magpapaalam rin. Bumubwelo lang ‘yan sa atin.” Ako na naman ang nakita nitong si Tyron.

“Hoy hindi ah! Halina nga kayo kina Kevin! Panalo kami kaya sagot n’yo ‘yung RC!” sabi ko na lang sa kanila.

“Oh tara, tara!" sigawan nila.

"Sandali!!!" sigaw ko bigla kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad. "Sabihin n’yo nga sa’kin. May posibilidad ba na maghintay ang isang tao ng tatlong oras sa isang taong hindi naman nagsabing pupunta?”

"Imposible ‘yon, pare," sabi agad ni Kenneth. 

Sumingit naman si Kevin. "Oo nga. Imposible ‘yon ‘no. Pwera na lang kung si Sisa ‘yon.”

Inakbayan ako ni Martin sabay sabing, "Oo pare. Imposible. Pwera na lang kung baliw ‘yon.”

Pinagpatuloy namin ang paglalakad. "Wait, teka teka!!!"  Tumigil na naman silang lahat nang sumigaw ulit ako. May na-realized kasi ako. "Baliw ‘yon eh.”

Tumakbo ako kaagad kahit hindi sigurado sa kung anong gagawin ko.

“Ano raw ‘yung sabi niya?”

“Baliw ka raw?”

“Tangek sabi niya kukuha siyang sisiw."

"Sabi sa inyo, bumubwelo lang 'yon eh."

"Susunod na lang ako sa inyo ‘pag wala na siya do’n,” sigaw ko sa kanila sabay takbo pauwi.

"Hoy teka Vinz—"

Agad-agad akong naligo at nagbihis, pagka-uwi. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay pero kailangan ko pa rin tingnan kung pumunta siya.

Sa Ground Up Café, 7:30PM. Hingal na hingal ako nang makarating doon. Tiningnan ko na lahat ng tao, pero mukha namang wala siya. Sino ba naman kasing maghihintay ng ganon katagal. Hindi ko tuloy maintindihan ‘yung nararamdaman ko. Hindi naman sa nadismaya ako na umalis na siya pero siguro kung naghintay siya baka mas naging mabait na ako sa kanya. Nakakabilib naman kasi kung hinintay niya talaga ako. Pero wala naman palang pasensya ‘yon eh. Hindi man lang naghinta.

Sniff, sniff…

Napatingin ako sa likod ko, kung saan may isang babaeng nakadukdok do’n sa dulo ng shop na pasinghot-singhot habang nakayuko. Siya kaya ‘yon? Lumapit ako sa table at kinalabit ‘yung babae. Inangat niya ang ulo niya kaya nalaman kong siya nga ‘to. At… at umiiyak siya.

“Bakit ngayon ka lang? ‘Di ba… ang usapan natin… 3pm?! Akala ko…hindi ka na dadating,” sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

"Teka,” mahinanon kong sabi dahil umiiyak siya. “Wala naman ako sinabing dadating ako ah?”

Pinunasan niya ang ilong gamit ang braso. "At least dumating ka pa rin."

"Paano pala kung hindi ako pumunta?"

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon