CHAPTER 8: Day 19

374 12 2
                                    

Pero sa mga nagdaang araw, talagang nasanay na ako sa presence niya.

“Hoy! Bakit ba ang tagal mo? Pagong ka talaga kahit kalian!” Kahit madalas pa rin niya kong bully-hin.

Nagpaliwanag naman ako. "Sorry, wala kasi akong masakyan.”

19th day na namin. Nagpunta lang kami sa isang park. At tulad ng lagi, nagpapaka-cameraman na naman siya. "Hey! Its our 19th Day. Aren’t you happy, boyfie? Wooooooohoooooooooooo!" Tinapat niya sa’kin ‘yung camera. At dahil nag-improve naman na ako, ngumiti ako. Pero agad ko ring tinapat sa ibang direksyon ‘yung camera.

"Anong balak mo ba dyan sa videocam mo? Bakit lagi ka na lang nagbi-video?" tanong ko.

"This will be very useful to you."

“Bakit sa’kin? Baka sa’yo.” Kunwari pa siyang hindi patay na patay sa akin. “Ano na naman kinalaman ko diyan?”

"It will help you remember me," bulong niya na narinig ko rin naman.

"Di naman kita makakalimutan, eh."

"After one month, hindi na kita boyfriend.” Nakita ko ang walang emosyon niyang mukha habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.

“Ah... Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan ah?” Inaasahan kong magiging masaya siya sa sinabi ko pero iba ang reaksyon niya.

"I don’t think so," sabi niya at akmang aalis na naman.

“Hoy, sa’n ka na naman pupunta?”

"Home," kaswal na sabi niya at saka maglalakad na naman paalis.

"Kakarating ko lang, bakit aalis ka na agad?"

"Ang tagal-tagal ko ng naghihintay sa pagbabalik mo, Vinz!"

Napaatras naman ako sa pagtaas ng boses niya. "Eh, eto na nga ako eh. Bakit ka uuwi?"

"Gusto ko lang.” Akmang aalis na naman siya, kaya hinila ko ‘yung kamay niya.

"I won’t let you go.” Kinawit ko ‘yung kamay niya sa braso ko. “’Yon ang lesson number four,” sabi ko nang akmang may sasabihin na naman siya. Ngumiti naman siya sa sinabi ko so I took that as a sign na okay na kaming dalawa. Dinala ko siya sa swing at inugoy-ugoy. Sa kabila ng ka-hyper-an niya, may mga oras rin na tahimik lang kaming dalawa na magkasama. Pero hindi ‘yung awkward na katahimikan. Ewan ko, parang nagkakaintindihan naman kami dahil kahit walang usap-usap, kumportable kami sa katahimikan.

"Oo nga pala, birthday k— Birthday ng lola ko sa isang araw. Siya may sabi ah, hindi ako! Ano... punta ka... punta ka raw. Sabi niya ‘yon ah. Hindi ako ‘yon. Ayos lang naman kung hindi ka pupunta, pero—"

“Pupunta ako,” nakangiti niyang sabi.

Nang sumunod na araw, nag-grocery kami dahil gusto daw niyang ipagluto ‘yung may birthday. Nahihiya akong yayain siya sa birthday ko kaya ang sabi ko si Lola ang may birthday. Ayan tuloy, nage-effort siya.

"Hoy, ano ba?! Diyan ka na lang?" Napatingin naman ako sa cart na tulak ko. Punung-puno na pala. "Caldereta ang lulutuin ko dahil favorite ‘yon ng may birthday,” sabi niya kahit hindi ko naman tinatanong. Pero, favorite ba ‘yon ni lola?

Pagdating sa cashier… "Ako na," sabi ko, sabay dukot sa wallet ko.

Pero pinigilan niya ako. "Ayoko. Ako na ang magbabayad."

"Lesson 1," sabi ko sa kanya.

"Forget that. For now, I’ll tell you the lesson number six. Kung ayaw talaga ‘wag mo pilitin, suportahan mo na lang."

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon