(DYKH) GOODBYE

65 4 0
                                    

Iyon na pala iyon. Iyon na pala 'yung sinasabi niyang last. Napakagulo na ng mundo ko pero dumagdag pa siya! Hindi siya malinaw! Napakalabo niyang kausap!

HE SAID HE WON'T LEAVE ME!

At naniwala ako...

I'm walking obliviously to girl's comfort room when I heard someone talking. Nang usisain ko pa ay napag-alaman kong sa loob ng CR galing. Nagpanggap akong hindi intresado kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko na lang maghanap ng away.

"He's being sweet to me na, while he's getting cold to his ex naman. I pity the girl." Sinamahan pa niya iyon ng tawa sa dulo, pasimple lang siyang naglalagay ng powder sa mukha habang ako ay nagpapanggap na naghuhugas lang ng kamay.

Isang babae sa tabi niya ang kausap niya. Hula ko ay kaklase rin namin. Matagal-tagal na kaming magkakasama ngunit hindi ko pa rin talaga sila kilala. Hindi ko naman kasi gusto. Nakakatamad. Nakakawalang gana.

"Grabe naman, girl. Seryoso ka sa pang-aagaw?" Napahinto si Thea sa paglagay ng liptint sa labi niya at binigyan ng masamang titig ang kaibigan.

"Are you insinuating that I'm stealing Nath? Nasa mukha ko ba ang hitsurang magnanakaw?"

"Gaga." Sagot noong kaibigan niya.

"Look, I'm fresh and pretty. Hindi ko na kailangan mang-agaw kung 'yung aagawan ko naman ay mukhang mamamatay na bukas makalawa." I clenched my fist to refrain myself from doing something I would regret.

Nagtatawanan silang umalis. Tumakas ang mumunting luha ko sa 'king mata. Gusto ko silang habulin at pagbantaan ngunit wala akong sapat na lakas para gawin iyon. I'm still weak after all.

Nagpalipas ako ng oras doon at nag-ayos ng sarili. I need to talk to him. Buwan na rin ang hinihintay ko para bumalik kami sa dati ngunit hanggang ngayon ay walang nangyayari. Isang tanong lang.

"Nath..." I blocked their way. Sinadya kong humarang sa daraanan nila ni Thea. Sinadya ko ring kausapin siya ngayong tapos na ang klase, uwian. Para kaunti na lamang ang tao, para mas maayos, para mas malinaw.

Ang dating excitement na nakikita ko sa mata niya ay naglaho na. The sweetness, the longing, the love...it all faded. Matagal na siyang ganito.

The sweet stare he was giving me is now a death glare.

Para siyang iritang-irita sa presensya ko. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para magbago siya o si Thea ang may ginawa kaya naagaw si Nath sa 'kin.

Everytime I look at him, I'm searching for the care. But whenever he gives me cold stare, I just wanna...cry, I just wanna...regret.

I'm recovering, yes.

But did he know that I am not yet fully-recovered?

That I'm still broken?

That I'm still alone?

That I'm still...depressed.

Hindi pa nga ako buo, nabawasan na naman ako.

He was there. He saw me grieving, he saw me suffer, he saw me broken, he saw me! He's aware of my situation but he just ignored all of it!

Fuck.

He doesn't know how much I wanna have him back.

He doesn't know how much I want to reach him out.

He doesn't know how much I want to change just for him to come back.

He doesn't know all of it.

But what really hurts me the most?

It's that I don't even know how to start.

Nawawalan ako ng pag-asang sumubok. Natatakot akong masaktan, natatakot akong lumaban, natatakot ako!

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now