(DYKH) SLEEPOVER

238 17 0
                                    

"GOODMORNING!" masayang bati ko sa sarili ko, Dalawang linggo na nang magkaayos kami ni mommy, and I feel so free!

"Breakfast's ready!" dinig kong tawag sa baba. Tumayo na ako at naligo, pagkalabas ko ay tumunog ang cellphone ko. Yes, I have cellphone na. It's a gift from mommy kasi I'm doing good daw. Nalaman na rin ni mommy about sa yung nagcut ako ng class, she just told me not to do it again. Tapos na yung first quarter PTC and both of my parents did attend it.

Nabawi ko na rin yung grades ko, halos inaral ko ulit at inaaral pa rin yung sa old books ko, pinagaaralan ko na rin yung sa libro namin ngayon. Medyo hindi ko lang maintindihan kasi hindi ako sanay sa black and white pictures kaya si mommy, binilhan ako ng new cellphone para raw anytime magagamit ko sa researching.

Pagkababa ko ay isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila.

"Bilisan niyo na, naghihintay na si Manong sa inyo." kumuha na rin ng sariling driver namin ni ate si mommy, akala ko talaga kung ano ng gusto ni mommy na mangyari. Kumain lang ako ng mabilis, sa school ko na lang ipagpapatuloy.

Humalik lang ako sa kanilang lahat, ngayon ay madalas na hindi ko nakakasabay si ate sa umaga, mas maaga na siyang umaalis. Kailangan daw para sa CCS presentation, ewan ko ba kung ano 'yon.

"Uhm manong sa 7/11 muna po tayo."

Tulad ng inaasahan ay ibinaba ako nito sa 7/11, balak ko sanang bumili ng chocolates para kay Shai, it's her birthday! Nang matapos ay dumiretso na ako sa school hanggang sa room.

Balak ko sanang magpanggap na nakalimutan ko ang birthday niya.

"Sis!" tawag nito, niyakap ko agad siya at nang humiwalay ako ay tumitig siya sa'kin na para bang naghihintay ng sasabihin ko. Hahaha

"What? May dumi ba?" maang-maangan kong tanong. Actually pinipigilan kong matawa nang lumungkot ang mga mata niya.

"W-wala ka bang sasabihin?"

"Wala naman, bakit?" sabi ko sabay talikod at punta sa upuan ko.

"A-ah wala." sabi nito sabay upo na rin sa upuan niya.

Sumilip ako rito at pinigilan ang pagtawa nang makita ko kung gaano kalungkot ang mukha nito.

"Ah! Sorry!" biglaan sigaw ko. "nakalimutan ko, sorry sis!" sabay yakap ko sa kaniya.

"nakakainis ka naman e!" angal nito, nagtatampo.

"Sorry I forgot to greet you, Goodmorning!" saka ko siya niyakap. Hahaha, nakakatawa ang itsura niya. I wonder how lucky others are to have a friend like mine. 'Yung hindi nagsasawang patawanin ka, and syempre, nabibiro. Unlike sa old friends ko hmp! Kung friends nga bang matatawag sila.

Agad niya akong tinulak ng mahina at sinimangutan. "nakakainis ka naman, e!" sabay tampal nito sa balikat ko. I faked an innocent reaction.

"What? Bakit?" painosente kong tanong, ganon naman tayo iba? Painosente. Charot!

Naputol ang pagkukwentuhan nang dumating na ang subject teacher para sa first period. Naging maayos ang takbo ng klase, I'm now contented with what I have, in terms of relationship between me and my family.

Dumating ang uwian, ang pinakahihintay ko. Kanina pa ako hindi pinapansin ni Shai, she didn't even look at me. She didn't even accompany me to the canteen earlier. Hahahaha

"Psst" tawag ko sa kaniyang atensyon.

Tinignan lang nito at ibinaling ulit ang atensyon sa pag-aayos ng gamit.

"Sis!"

"Wui!"

"Wui! Sis!"

"Bakit?" mataray na tugon nito nang matapos sa pagaayos. I swear! Pinipigilan ko lang talaga na matawa! Ang gaan sa pakiramdam! Alam mo 'yon? Finally! Ibinigay na sa'kin yung gusto kong klase ng kaibigan! 'yung mabibiro ko nang hindi nagsisimula ng gyera sa pagitan namin.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now