(DYKH) MOBILE LEGENDS

154 16 0
                                    


Came saturday, malapit nang matapos ang school year. Naging maayos ang lahat, ang grades ko, relasyon sa magulang at kaibigan. I can tell that it's almost perfect. Third quarter is about to end, puro projects sa halos lahat ng sub!

Highschool pa lang ito ah, paano pa kaya kapag college?!

"Oh, tintin? Wala ka bang lakad?" bungad sakin sa baba ni mommy, school is very tiring. Halos wala akong panahon makapag-gala with Shai, let us say meron, pero not enough kasi iniisip ko pa lang na gagala ako while may unfinished school stuffs ako, nakakadepress! Charot.

"Kung meron po si ate, sasama ako." tanging sagot ko hanggang sa makaupo ako, si ate ay tulog pa rin. Sa totoo lang ay gustong gusto ko ng magsalita about sa problema ni ate, kung titignan mo kasi siya ay parang sobrang pagod ng mukha nito. Mas lalong pagod ang mata sa kaiiyak, pinipilit kong magshare si ate ng mga kaya niyang sabihin.

Sa mga nalalaman ko ngayon, she lost kuya Elvin and kuya Ethan. Masyado raw kasing magulo kaya't hindi pa siya nakapagdedesisyong mamili.
For me, as per the posts I've read on social media. They say always choose the second one. In ate's case. Sino nga ba ang nauna?

Pilit ko rin namang pinagagaan ang pakiramdam niya, at least hindi niya kinikimkim mag-isa.

Natinag ako sa pag-iisip nang umurong ang katabi kong silya, gising na si ate.

"May plano ba kayo ngayon?" tanong ni mommy habang ako'y paunti-unti sa pagkain. Maaga ang alis ni mommy papunta sa sarili nitong opisina, balita ko'y may problema raw sa rice plantation namin sa Tarlac. Inaayos naman ni tita kaya lang ay kailangan na talaga ng tulong ni mommy.

"Wala po."

"Ah sige."

"Si daddy po?" tanong ko, mas maagang umalis si mommy kaya dapat ngayon ay naghahanda na si daddy ngunit wala akong nakikitang bakas ng kilos mula rito. Nauna na kaya siya? may ipabibili pa sana ako.

"Ah, kasama sila Hayden at Harrison. Investiture." simpleng sagot lang nito. Kaagad namang tumayo kami ni ate nang magpapalaam na si mom. I guess, this day is really meant for us?
Para makausap ko na ulit ng matino si ate. I know mommy pretends to not hear or see the gulf. My ate, and the new ate beside me. Sobrang bago na aakalain mong hindi si ate iyong kausap mo. She's the usual talkative, and now...she seems so full of secret.

"Anong oras po uuwi?" ako ang nagtanong, patuloy lang si ate sa pagkain.

"Ewan ko, tintin. Hintayin niyo na lang dahil maya-maya'y ihahatid ang mga gamit ni hay at harry sa school nila."

"Po?"

"Camping." she answered in a simple but dismissive tone, like she has no time to explain.

"Take care, mom." huli kong paala bago ako bumaling kay ate. Tahimik itong kumakain kaya't pinagpatuloy ko na lang din ang akin. I wonder what happened between them? Ang sinabi lang kasi talaga ni ate ay wala silang maayos na relasyon at hindi siya makapamili.

Sa kwarto niya kaming gusto mag-usap nang sinabi kong gusto kong malaman ang lahat.

I sat on her bed, waiting for her words.

"I-I'm not...ready." iyon lang ang sinabi niya. Panimula niya pa lang sa pag-uusap namin ay tinapos niya na agad. Na para bang ayaw niya talaga ungkatin ang naganap na. Is she moving on?

"Ate, hindi naman pwedeng kapag wala sila mommy ay bubulalas ka ng iyak diyan. C'mon, I'll listen." pangungumbinsi ko, nahihirapan din naman akong makita si ate na nagkakaganito. Is this the effect of love? Is love really comes with pain? Is love that hard to handle?

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now