(DYKH) GRADES

264 23 0
                                    

"Oh? Bakit 'di ka naka PE?" salubong sa'kin ni Shai pagkapasok ko ng classroom, Thursday ngayon at PE class ang schedule para sa unang period.

"Wala pa ako n'on e" dahilan ko, ang totoo ay meron ako ngunit sobrang luwag nito. Gaya ng sabi sa'kin ni Renz ay magmumukha akong walis tingting na dinamitan. Sama no'n!

"Hala! 'di pwede iyan, Sis! Hindi ka palalaruin ni Sir. Estillo! Naku! Sobrang sungit pa naman no'n!" agad akong nalungkot doon, sabi kasi ni ate ay pwede raw, ngayon naman, ayon kay Shai hindi raw. Ang gulo nila! Basta ako, ang alam ko lang ay mawawalan ako ng grade sa P.E

Help me!

" 'yaan mo na 'yan." walang emosyong sagot ko. Nitong mga nagdaang linggo ay nagiging malungkutin ako, stress sa bahay pati sa school. Ang huling away namin ni mommy ay hindi pangkaraniwan, kung dati ay kinabukasan lang ayos na kami, ngayon hindi na. Sa school naman, nakakabwisit ang mga classmates ko!

Do you know that feeling when you just want to have a good grades but your classmates keep calling you names such as "sipsip"

"Hala? Uy, okay ka lang? Lagi ka nalang parang puyat na ewan, anong nangyayari sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Shai at hinawakan pa ang noo't leeg ko.

"Just tired." I reasoned out.

"Hala siya, kapapasok lang natin, Sis! Hindi pa nga nagsisimula 'yung klase pagod kana agad? Dahil ba 'yan sa pag-absent ni Renz?"

Agad ko itong tinignan at inirapan.

"Baliw, syempre hindi." may iba talaga akong rason. It's been weeks since we last talked. Ni hindi kami nagpapansinan ngayon sa loob ng bahay. Nakakainis 'yung ganon!

—————FLASHBACK-------------

"NAK, open the door please." patuloy sa pagkatok si mommy sa pinto ng kwarto ko, tsh! Alangan namang sa pinto ng CR 'di ba?

"Matutulog na po ako!"

"Let's talk, nak." she said while still knocking on my door.

"I'm tired, mommy. Bukas na lang po!"

"Hazel." nagbabantang sambit ni mommy. Nakakatakot iyon na kusang gumalaw ang mga paa ko at tinunton ang pinto. Dahil doon ay napilitan akong buksan ang kwarto.
Agad din akong bumalik sa kama at nagtaklob ng kumot.

"Hazel, ano ba?" salita lang iyon pero nakakatakot na. Hindi pa rin ako nasasanay sa ganiyang ugali ni mommy kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at hinarap si mommy.

"Why?" Unang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero nangilid agad ang luha sa mga mata ko. Am I being emotional?

"Anak, It's for your own good. Walang mararating iyang pangarap mo na astronaut, napakaimposible niyan, hindi ka bubuhayin niyan." mga salitang paulit ulit akong sinasaksak, Umiling lang ako ng umiling.

"No mommy, hindi mo naiintindihan!"

"Anak bata ka pa, you just find interesting pero hindi nararapat 'yon sa'yo." kalmadong pagpapaliwanag niya. Patuloy ako sa pagpahid sa
luha ko.

"Alam ko yung gusto ko sa hindi, I wanna reach my dreams mommy, gusto hanggat maaga pa, planado na. Don't deprive me of my happiness, mom!" naiinis na sabi ko.

Napakababaw ng dahilan ni mommy, para sa'kin. Gusto niya para sa ikabubuti ko? Ano bang tiwala meron siya sa'kin para isipin na yung pinili ko ay para sa ikakasama ko?

"Hindi mo lang naiintindihan, bata ka pa!" how the heck does age matter?

"No, mommy. You don't love me enough! You don't trust me at all!" sa lakas ng pagkakasabi ko noon ay nasampal ako ni mommy, I thought she would render me apology but no. She said this instead...

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now