EPISODE 69

56.6K 951 80
                                    

Maggie's P.O.V.

Dahil sa sinabi ni Laura tungkol sa umaatikabong aksyon nila ni Abby versus Patricia no'ng mga panahong naglalamiyerda pa ang aking kamalayan sa ibang dimention, nagkayayaan kaming tatlo na magkita-kita para magka-chikahan. Sinundo ako ni Laura para katagpuin na lang si Abby sa isang coffee shop. Pero nagulat kami ni Laura nang madatnan na namin doon si Abby na kasama si Dette. Wala namang kaso 'yun sa amin dahil kasundo naman namin si Dette, bagama't medyo nag-aalalangan kami na kausapin ito nang basta-basta lalo na't kapansin-pansin ang sobrang pangangayayat nito.

"K-kamusta ka na?" Hindi ko sigurado kung bakit nauutal ako nang tinanong ko 'yun kay Dette.

"I'm alright," sagot n'ya, "and you?"

"A lot better."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Napapasulyap ako kay Abby. Napansin ko ang pananahimik nito. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"Are you alright?" Deretsahang tanong ni Laura si Dette. "Ang laki ng ipinayat mo ah."

Nasiko ko si Laura dahil doon. Ngumibit muna ito bago ako inirapan.

"Oo nga eh." Medyo malamya rin ang pagkilos nito.

Napatingin ulit ako kay Abby. Mas lalong naging obvious ang kalungkutan nito.

"Nagda-diet ka ba?" Deretsahan uling tanong ni Laura. Siniko ko ulit ito. "Bakit?" Pasinghal na bulong nito sa akin, "Hindi ka ba nako-curious?!"

"Hindi." Nakangiting sagot ni Dette, bago ko pa man din naibuka ang bibig ko.

Akala ko, may kasunod pa ang sasabihin n'ya, pero 'yun lang pala 'yun. Masyadong matipid. Kahit ang kanyang pagngiti.

"Ah. Eh. Pasensya ka na Dette," Pagsingit ko, "Medyo matagal-tagal na kasi tayong hindi nagkikita kaya medyo nagulat kami." Hinawakan ko ang mga kamay nitong, nakapatong sa lamesa. "Ayos ka lang ba? Kamusta na ang baby mo? Si Luke, ok na ba kayo?"

"My baby is ok. Luke is ok...I think. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita. I heard he's still dating the same girl. Pero 'yun lang ang alam ko."

Napasulyap ako kay Laura, pati na rin kay Abby na parehong tila nakikiramdam.

"Hindi man lang ba n'ya pinupuntahan ang anak ninyo?" Tanong ko ulit

"Pinupuntahan." Sagot niya, "Pero si Karina lang. Hindi ako kasama.

"Bakit naman?" Pagsingit ni Laura, "Are you not in good terms pa rin ba? Hindi pa rin ba n'ya alam na...naalala mo s'ya?"

Halata kong hirap na hirap si Dette sa paghagilap ng isasagot. Kapansin-pansin din na lagi itong napapalingon kay Abby.

"We're ok." Si Dette, na may matipid pa ring ngiti, "nakakapag-usap naman kami sa phone kung minsan. Hindi lang sa personal. Ahm. Pero ang alam n'ya, hindi ko pa rin s'ya maalala."

"Pwede na ba naming malaman kung bakit kinailangan mong gawin 'yun?" Kanina ko pa gustong itanong 'yun, mabuti naman at nailusot ko na rin ito.

"Mas mabuti na 'yung akala n'ya, hindi ko s'ya maalala. Para hindi s'ya ma-obliga na panagutan ako, at para hindi na rin ako makagulo pa. Kawawa naman kasi 'yung nobya n'ya kung mapipilitan siyang iwan iyo para lang balikan ang isang taong iniwan na n'ya." Napatingin muna siya sandali sa aming tatlo. "Ayokong balikan niya ako nang dahil lang sa nakukunsensya s'ya sa nangyari sa 'min. Ayoko rin na bumalik s'ya sa akin nang dahil lang sa may anak s'ya sa 'kin. Besides...it's for the best, anyway."

"For the best?" Reaksyon ni Laura. "Pa'nong magiging for the best 'yun kung lalaki si Karina na magkahiwalay kayong dalawa ng Daddy n'ya?"

Natahimik muna siya sandali at ilang beses itong nagbuntong-hininga. "Ayokong umalis na may dalang mas mabigat na bagahe."

Medyo kinabahan kami gusto nitong sabihin nang bigla na lang himikbi si Abby.

"Ang isipin nga lang na iiwan ko si Karina sobrang bigat na, 'yun pa kayang sumama pa s'ya? Bukod pa 'yung makakasira pa ako sa pagsasama nila ng karelasyon n'ya ngayon. Di hamak na mas masasamahan s'ya nito sa mas mahabang panahon." Bumubukal na ang mga luha nito na pilit pa rin nitong pinipigilan.

Ano kayang ibig n'yang sabihin?

"Hindi kita maintindihan." Sabi ni Laura sa kanya. "Ano ba 'yang mga sinasabi mo?"

Mas lalo akong kinabahan, nang mas tumindi ang pag-iyak ni Abby.

"I'm..." Mahinang sambit ni Dette, na halos kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. "I'm very sick."

"What do mean?" Ako. "Anong sick? Anong sakit mo?"

"Chronic lymphocytic Leukemia." Anya "Buntis pa lang ako kay Karina nang ma-diagnose ako. 'Yun nga yung tunay na dahilan kung bakit tumigil ako sa medical practice. Ang kaso, because of that, I went really broke. Ayoko namang iasa pa sa mga magulang ko ang pagpapagamot ko kaya hindi ko na lang ipinaalam sa kanila ang sitwasyon ko. May financial problem din ang parents ko, kaya heto, tinanggap ko na lang na siguro nga, ito talaga ang kapalaran ko. Masaya na ako na nagkakalapit si Karina at Daddy n'ya nang wala ako sa picture. Para nang sa gayun, sanay na sila nang wala ako."

Tinakpan ni Laura ng mga kamay n'ya ang kanyang bibig. Ako nama'y tila isang matigas na istatwang hindi makagalaw.

I thought my most recent health problem, was too hard for me to bear. But Dette's? Her's even worse!

[ITUTULOY]

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon