EPISODE 57

110K 1K 65
                                    

Maggie's P.O.V.

"Tristan..." na may halong pag-ungol; boses ito ni Rhea.

'Yun ang bumungad sa amin ni Laura nang pinuntahan namin si Tristan sa kanyang opisina. Doon kasi namin napagkasunduang magkita-kita nina Rhea at Abby, para sabay-sabay kaming makadalaw kay Dette. Medyo napaaga nga lang kami ni Laura nang kalahating oras. Maaga rin kasi kaming gumigising para maipaghanda namin ng almusal ang aming mga asa-asawa bago pumasok ang mga ito sa trabaho. At dahil pilya ako, medyo itunulak ko ang pintuan ng opisina ni Tristan upang silipin kung ano ang nangyayari sa loob.

"Margarita!" Nanggigigil na bulong ni Laura, "do'n na lang tayo sa labas maghintay." Hinihila ni Laura ang braso ko.

"Ayoko nga, manonood pa ako eh." Nakangisi ako at muling sumilip. Nakahiga ang kalahati ng katawan ni Rhea sa desk ni Tristan, habang nagpi-fiesta si Tristan sa gitna ng mga hita ni Rhea. Nakatayo si lalaki.

"Kung kami pala ni Art ang nariyan sa loob, maninilip ka rin?"

"Ah hinde..." pabulong kong sagot, "kung kayo ni Art ang nandu-do sa loob , papasok na ako mismo para tumanghod sa isang sulok, para scorer n'yo na ako."

"Nakakahiya ka talaga," tinapik ako nito sa balikat, "halika na sabi!"

Narinig naman namin ang impit na pag-ungol ni Tristan; sumasabay ito sa ritmo ng pagyanig ng desk. Tinikapan ko naman ang bibig ko para mapigilan ang pagtawa. Hindi kasi maipinta ang pagmumukha ni Laura.

"Grabe naman ang mag-asawang yan," nakasimangot na sabi nito, "may bahay naman sila't magkasama na sila do'n, bakit dito pa nila naisipang magtalik."

"Eh ano bang paki mo eh sa yan ang Sex Trip nila... exciting nga eh." Bumungisngis ako.

"Exciting, eh nasisilipan na sila!"

"Sus naman 'to," dumiretso na ako ng tindig at saka hinila ang nagmamaktol na si Laura sa tabi ko, "malay mo pa naman kung wala ring naninilip sa inyo ni Art kapag nagse-sex kayo sa bahay ninyo. Lalo na do'n sa garahe n'yo, kapag nagse-Sex Trip kayo sa ibabaw ng kotse."

Ops.

Nadulas ako!

Naikuwento kasi noon ni Jon sa aming dalawa ni Abby 'yung tungkol sa nasilip nila ni Bernard sa loob ng garahe ng Pamilya Montero. Tiningnan ako ni Laura nang masama. Nakakunot ang noo nito. Nagtataka siguro kung pa'no ko nalaman, na nagse-sex sila ni Art, sa ibabaw ng kotse.

"Tristannnn!" Medyo napalakas na hiyaw ni Rhea.

"Shhhhhhh." Sagot naman sa kanya ni Tristan.

Sumilip ulit ako. Nakita kong halos mabaliw na ang dalawa; mukhang malapit na nilang marating ang outer space!

"Yesssss..." Ungot ni Rhea.

Tinakpan ko ulit ang bibig ko nang sumulyap ako kay Laura. Nakahalukipkip na kasi ito, nakataas ang isang kilay at sambakol ang mukha.

"Hoy!" Panggungulat ni Abby sa amin. "Anong sinisilip mo r'yan ha?" nakatingin ito sa 'kin. Buhat-buhat nito ang anak nitong si Jordanna.

"Halika dito dali..." hinila ko si Abby para masilip din n'ya ang sinisilip ko. Inipit naman ni Abby ang kanyang mga labi para pigilan ang kanyang pagtawa.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon