EPISODE 59

88.2K 1.1K 118
                                    

Bernard's P.O.V.

"Sir!" Sabi ng Secretarya ko via intercom.

"Yes?"

"May naghahanap po sa inyo rito sa reception. Mr. Montero raw po."

Si Art?

"Sige, papasukin mo."

"Yes sir."

"And Cristy?" Pahabol ko.

"Yes sir?"

"Paki-cancel mo nga ang afternoon meeting ko with the Marketing team. Paki re-schedule mo na lang bukas."

"Opo. Sige po sir." Natatanaw ko na ang pagpasok ni Art sa opisina. Halata ko na agad ang pagka-aburido nito.

"Ok, thanks. Bye."

Tumayo ako at sinalubong ito. Hindi man ito nagsasalita ay parang alam ko nang may mabigat itong problema.

Gulo-gulo ang buhok nito, loose ang necktie, lukot na lukot at nakataas ang kuwelyo ng polo niya, at higit sa lahat, bakas na bakas pag-aalala ang kanyang mukha.

This is unusual with Art. This is definitely the very first time I've seen him like this.

Pinabayaan ko lang muna itong magparoon at parito at matiyagang hinintay ang gusto nitong sabihin.

"I'm in huge, huge trouble pare." Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Nagpapabalik-balik pa rin pa rin ito.

"Ano bang nangyari?"

"I met up with Patricia today and asked her to help me explain our sex tape dilemma with my wife. Pero..."

"Pero?"

"Pero hindi ito pumayag."

"Ha? Pero bakit daw?"

"May problema sila ng asawa niya."

"Ha? Pero anong kuneksyon?"

"She wants me back."

"What?!"

"You heard it!"

"Do you want to go back to her?"

"Hell, no!"

"Yun naman pala eh, so anong problema?"

"Laura caught us at the wrong place, on the wrong time and in the wrong circumstances."

"Caught you what? Having sex...making out?"

"Heck, no!"

"Then what?"

Inumpisahan na niya ang paglalahad. Ang biglang paghalik sa kanya ni Patricia sa publiko, kung saan nagkataon daw na nakita sila ni Laura, Maggie, Abby, Helga, Mitch, Rhea, kasama ang dalawang batang mga anak ni Jon at ni Jason.

"Do you mind if I ask you something, Art?"

"Go ahead." Sabu-sabunot niya ang buhok niya habang naka-upo sa sofa.

"Bakit kinailangan mo pa ang tulong ni Patricia? Bakit hindi mo na lang idinertso kay Laura?"

Hindi ito sumagot. Marahil ay alam na niya na mali nga ang naging diskarte niya sa problema niya.

"Natatakot kasi ako na hindi maniwala si Laura." Mahinang sagot niya. Mangiyak-ngiyak na. "I-I thought if Patricia will be there to help me explain the whole situation, mas maniniwala si Laura. It turns out, may iba pa palang agenda si Patricia. Lalo lang nadagdagan ang problema ko."

"What's up with Patricia pare? Ano ba ang gusto niya? Iwanan mo si Laura para sumama sa kanya?"

"Not really."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon