EPISODE 55

115K 1K 87
                                    

Bernard's P.O.V.

Luke is depressed. Pero ayaw naman niyang makipag-usap sa bestfriend niyang si Benj. Hindi pa rin kasi naayos ang kanilang iringan. Nagtatampo rin daw siya kay Tristan, na para bang wala man lamang  daw itong pakialam sa nangyayari sa kanila ng pinsan nitong si Bernadette. Kaya heto, kami na lang nina Jason at Art ang napaghihingahan niya ng sama ng loob.

"Anong plano mo?" tanong sa kanya ni Art.

Naririto kami ngayon sa receiving area sa loob ng opisina ko, kung saan nagpadala na lang ako ng pagkain mula sa isa sa aking mga restaurants, para dito na kami makapananghalian nang magkakasalo.

"Gusto ko siyang makausap." Sapo ni Luke ang kanyang mukha, nakatuon ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod, habang nakaupo sa isa sa mga couch ko. "Ang kaso, mukhang ayaw naman niya akong harapin. Pinuntahan ko siya sa dati niyang klinika, pero ang sabi sa akin ng mga colleagues niya ro'n, magta-tatlong buwan na raw na hindi nagpa-practice si Dette. Pinuntahan ko siya sa dating apartment niya. Pero hindi na rin daw siya ro'n nakatira." Umiiyak na ito, "pinuntahan ko rin siya sa bahay ng ang parents niya, pero maging doo'y wala siya. Nagkagalit daw pala sila ng mga magulang niya dahil sa pagaakala ng mga ito na siya ang may dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Nang dahil doon, umalis siya roon. Wala sa kanila ang makapagsabi kung nasaan siya. Ito namang si Tristan, walang silbi, ayaw niyang sabihin sa 'kin kung nasa'n si Dette. Inisip ko nga na baka nando'n siya sa bahay nina ni Rhea. Nagpunta rin ako ro'n pero wala rin siya ro'n. Mga pare..." pinasadahan niya kami ng tingin, "hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nagpakiramdaman kaming tatlo nina Art at Jason kung sino ang susunod na magsasalita. Ang hirap naman kasi, hindi rin namin alam ang aming sasabihin.

"Kung sakaling magkita kayong muli," ani Jason, "ano ang plano mong gawin? At paano na yung... babaeng kasama mo galing London? Alam na ba niya ang tungkol rito?"

Nakangibit na umiiling si Luke.

"Girlfriend mo ba 'yun?" tanong ni Art.

Naalala ko naman na wala nga pala sa grupo namin si Art nang sinabi ni Luke sa amin ang tunay na status nila ng babaeng kasama niya.

"Not really. We just hang out. Nothing serious..." sagot naman nito.

"What do you mean you 'just' hang out?" tanong ni Art ulit; nakakunot-noo ito. "Is it platonic?"

Tila nagulat si Luke sa bira ni Art. Nag-alinlangan itong sumagot, pero nang maglao'y umiling din ito. Napabuntong hininga naman kami ni Jason; si Art naman ay tila natatawa.

"So when you said you 'just' hang out," seryosong pag-aanalisa ni Art, "you actually mean, you are not in a serious relationship with her, but was or is or whatever your real status is, having sexual relations with her?"

Napangibit muli si Luke. Nagbuntong hininga muna ito bago tumango. Nagkatinginan kami ni Jason.

"Are you still with her? Or...can you at least enlighten us what's the real score?" nanunukat na pagtatanong muli ni Art, "I mean...nasaan na siya ngayon? Nasa London? Nasa hotel somewhere here in Manila or Makati or Q.C.? Where? Where is she?"

Halinhinang kinagat ni Luke ang kanyang itaas at ibabang labi. Muling nagbuntong-hininga, na tila pinag-iisipang mabuti ang kanyang isasagot.

"She's staying with me." Anya, "in my parent's house." Mahina ang pagkakasabi niya na tila nahihiya pa.

"Tsss..." natatawang reaksyon ni Art. Halata sa expresiyon ng mukha nito ang pagka-irita. "So, what's the whole point of you being so depressed like this, searching around looking for, and wanting to talk to Dette? Sa una, ang tingin ko ba'y you want to patch things up with her, 'yun naman pala eh may kasama ka pa palang iba? Ano ba talaga ang plano mo, ang mamangka sa dalawang ilog?" nanggigigil na ito sa inis.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon