EPISODE 63

63K 936 54
                                    

Bernard's P.O.V.

"So, kamusta na ang dalagang marikit sa inyong bahay?" tanong ni Benj. Pinuntahan ako nito sa opisina ko, kasama si Luke at ang bago nitong nobya na si Jobelle.

"Ok naman." Sagot ko; though medyo nadi-distract ako sa paglingkis ni Jobelle sa medyo namumula naman sa hiya na si Luke. "Magaling na, papauwi na nga ito mamaya sa bahay ng mga biyenan ko." Medyo napapakunot ako, nang hindi pa nakuntento ang babae, dahil pinaghahalikan pa nito ang linya ng panga ni Luke, na para bang, wala kami roon.

"Pagpapasensyahan mo na 'yang bagong chick ni Luke." Bulong ni Benj sa akin. Marahil ay napansin nitong napapatingin ako sa gawi roon. "Medyo may sayad." Humahagikhik ito. "Nakakarma na ang gago sa ginawa niya kay Dette."

Mabuti na lang at medyo malayo ang sofang kinauupuan nina Luke sa lamesa ko. Habang si Benj nama'y nakaupo sa harapan ng lamesa ko.

"Anong ibig mong sabihin sa may sayad?" Bulong ko kay Benj pabalik.

"Obsessed sa kanya," bulong ulit nito sa akin. "To the point na nabubuwisit na siya. Paano, exact opposite ni Dette. Very possessive, demanding, childish, selfish, selosa at yan... walang pakialam sa mundo."

Tinanaw ko si Luke sa malayo. Tumingin naman ito sa akin sa paraang tila humihingi ito ng saklolo.

"Bakit hindi niya hiwalayan?" bulong ko kay Benj habang nakatingin ako kay Luke.

"May sayad nga kasi pare, eh!" Sagot ni Benj, "Tinatakot si Luke na magpapakamatay raw siya kung sakaling iwanan siya ni Luke."

"Ang tanong, gusto na bang makipaghiwalay ni Luke?"

"Matagal na." Mas hininaan pa ni Benj ang pagbulong. Hinarangan pa nito ng kamay niya ang kanyang bibig, para hindi makita nina Luke ang pagbuka nito sa anggulo nina Luke. "Gusto na nga niyang manuyo ulit kay Bernadette di ba? Ang kaso, hayan. Hindi siya makawala sa isang 'yan!"

Napatingin ulit ako sa may gawi ni Luke at natanaw kong halos lamutakin ng nga ito ng babae.

"So anong plano niya?" tanong ko kay Benj.

"Malay ko riyan. Hindi naman niya hinihingi ang opinion ko. Basta ako, masaya na ako. My chickboy days are over."

"Ows. Totoo na ba 'yan?"

"Siyempre naman. At isa pa, babae ang anak namin ni Mitch. Ayoko namang siya ang magbabayad sa kalikutan ko. Ang objective ko na lang ngayon ay ang mapasaya si Misis araw-araw."

"Good to hear that pare." Sagot ko. "Tama 'yan. Happy wife, happy life."

"Kaya nga medyo naawa na ako dito kay Luke." Pagbulong ulit ni Benj, "Siya na lang ang walang asawa sa atin. Siya na lang ang ganyan o," ngumuso ito sa direksyon ni Luke, "kundangan ba naman kasing, nakita na niya ang perpektong babae para sa kanya, 'yung mahal na mahal talaga siya, at hindi umumbra ang charms ko," kumindat ito sa akin, "pinakawalan pa niya."

"So ano nga ang plano niya?"

"Malay ko riyan. Bahala siya."

"Pero paa--"

Nag-ring ang phone ko.

"Hello?" Ako.

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon