Chapter 43

21.2K 676 24
                                    

Arrow

Hinilot ko ang sentido nang sumakit na naman ito. Hinigit ko ang kumot sa kama at tinaklob ito sa katawan ko

I just want to rest for a while, babangon din naman ako kapag nawala na ang sakit sa puso ko.

Kathleen is somehow right, I won't succeed habang malambot pa ang puso ko. Kaya habang maaga pa, kailangan ko nang makaalala.

Marahas akong lumingon sa pintuan nang kwarto ko nang marinig ang ingay mula sa labas.

What the hell? May nakapasok ba sa condo ko?

Mabilis kong kinuha ang baseball bat na nasa gilid ng kama ko at nagtago sa likod ng pintuan.

I'm sure that I heard a noise outside my room, and someone's inside my condo.

Huminga ako nang malalim nang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Napapikit ako nang makita ang pigura ng taong ito. He closed the door slowly kaya kumilos na ako.

Buong lakas kong pinalo ang hawak-hawak. Pero nagulat ako nang masalo niya ang baseball bat gamit ang kamay.

"You know how to hit someone, now." I stiffened when I heard his voice.

Nabitawan ko ang bat na hawak at naiiyak na napatingin sa pigura niya. Humarap siya sa akin nang nakangiti.

"Froze," naiiyak na banggit ko sa pangalan niya.

"Come over here, baby." He gestured me to come kaya naman hindi na ako nag-inarte pa.

Sinunggaban ko siya nang mahigpit na yakap. He chuckled on my right ear, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang paghalik niya sa buhok ko.

"Why didn't you tell me?" he asked me.

Napasinghot ako at humarap sa kaniya. "You knew something, kaya ayokong lapitan ka. Baka magalit lang ako sa 'yo, ayoko namang maramdaman 'yon."

Ngumiti siya nang matamis bago halikan ang pisngi ko. "Don't get mad at me, Arrow. Kahit ano pa ang gawin ko, huwag na huwag kang magagalit sa akin."

Tumango ako. "Basta at huwag mo lang akong sasaktan, hindi ako magagalit sa 'yo."

He pinned me against the wall at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko.

"Do you know how afraid I was when Kathleen told me that you already knew your identity? I was so afraid that you'll never look at me the same way you're doing right now. I was so afraid that I'll never have the chance to see your golden eyes again," he said with those forlorn eyes.

He looks so sad when he said that, and I feel sorry.

"I'm s-sorry, Froze. Dapat pala tinawagan muna kita. Natakot lang din naman ako, a-ayokong magalit sa 'yo kaya gusto ko na lang lumayo. Hindi naman kita pipiliting sabihin sa akin ang mga nalalaman mo, I'll figure it out myself, k-kaya umalis ka na," nauutal na sabi ko.

I don't want him to leave, but it's better for the both of us.

"No, baby, no. I'll stay. You can cry, my angel, you can cry infront me. I won't mind," he uttered almost whispering.

I bit my lower lip while looking at him.

"I don't want to," iling ko.

"It's always okay to cry infront me, baby. You can always cry." Dahil sa sinabi niyang 'yon ay tuluyan na akong napaiyak.

Mabilis niya akong kinulong sa bisig niya kaya doon ako umiyak nang umiyak.

"Ang s-sakit-sakit, Froze. Ang daming tanong sa isipan ko na gusto kong masagot, pero alam kong mahihirapan ako kaya gusto ko munang makaalala. Pero nasasaktan ako kapag naiisip ko na ibang-iba ako sa totoong ako na kinakatakutan nila. Mamamatay na ako sa kakaisip kung ano ba ang nagawa ko noon, kung bakit ako nawalan ng ala-ala. Sobrang daming tanong na umiikot sa isipan ko pero walang sagot na lumalabas kung saan," nilabas ko ang lahat ng hinanakit ko sa lalaking yakap ko.

Sa kaniya lang ako komportable magsalita, sa kaniya lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob para umiyak.

Hindi siya nagsalita, pero hinahagod niya ang buhok ko. It feels so good to have him by my side. I wish we can be this close forever, just me and him.

"YOU won't leave, right?" I asked him nang ilagay niya ang kumot sa katawan ko.

He shook his head. "You'll see me when you're awake, my angel. Sleep, now."

I smiled sweetly at him before caressing his beautiful face. "Thank you, Froze."

"You know I'll do everything for you pumpkin, you look great by the way. Now, sleep." Tinapik niya ang kama na ikinangiti ko.

Pinikit ko na ang mga mata ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

Slowly, I drifted to sleep.

NAGISING ako nang maramdaman anv pagbitaw ni Froze sa kamay ko. I was about to call his name when he stood while holding his phone.

Hindi niya siguro napansin na gising na ako.

Mabilis ko siyang sinundan hanggang sa sala. He answered his call.

"What do you want?" he asked with his cold voice.

Matiyaga lang akong naghihintay rito habang tinatapos niya ang tawag.

"You can't control me again with those threats, Gunner! I can't leave her again," he shouted angrily.

Why is he so mad? Sino ba ang katawagan niya?

Kitang-kita ko ang pagyukom ng mga kamao niya at mariin niyang pagpikit. He looks so devastated.

"W-Why? I can't do that, you know I can't hurt her. Stop doing this to me. Mamamatay na ako sa sobrang daming sakripisyo na binigay ko para lang sundin ka. I'm doing this for my baby and not for you," nanghihinang saad niya.

Nagtago ako sa pader nang humarap siya sa kinalalagyan ko.

Napapikit ako nang marinig ang pagbabasag niya ng kung ano.

"What do you mean that she's in danger again, Gunner?! Bakit ba hindi mawala-wala ang mga taong 'yan?!"

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto bago niya pa ako maabutan. Galit na galit siya at ayokong maabutan niya ako roon.

Muli kong binalot ang sarili ko sa kumot at nagpanggap na tulog. Bumalik ako sa huling puwesto na nakita niya bago siya umalis.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Lumubog ang kama sa gilid ko at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"I'm sorry, baby, I'm sorry if I have to do this. I'm sorry."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon