Chapter 16

25.9K 940 70
                                    

"How's the princess, Sinco?" tanong ng matanda sa tauhang kararating lamang.

"I already asked Victoria and Henry, Emperor. They transferred the princess to Knights IV University," magalang na sagot ng lalaki.

Parang nabunot ang tinik sa lalamunan ng Emperor. Atleast he's sure that the princess will be safe.

"Thank you, Sinco. Sana ay bantayan ninyo pa siya, I want to check if she's doing fine," nag-aalalang saad niya.

"I already assigned my men in different fields, Emperor. But your knight told us to stay away from the princess. Siya na raw po ang bahala rito," paliwanag ng lalaki sa Emperor.

Tumango-tango ang matanda. "I trust my knight, Sinco. I know he can protect my princess, but I still want to make sure kung walang nananakit sa apo ko. Kausapin mo siya to update me everyday about my grand daughter."

Yumuko ang lalaking nagngangalang Sinco para magbigay galang. "I'll do it, Emperor. I'll try to talk to him."

"Thank you, Sinco. I'll asure you, your fiancée's gonna be back soon," nakangiti siyang sabi rito.

"I'm patiently waiting, Emperor. And I'll do everything to pay you."

Arrow Perez

"Ano? Napatumba mo na yung lalaki?"

"Malamang hindi! Inunahan ako ni leader, e. Galit na galit nga doon sa lalaki."

"Paanong hindi? Tingnan mo ang ginawa ng bobong 'yon sa prinsesa natin."

Napamulat ako nang makarinig ng mga boses sa gilid ko.

Mabilis akong napabangon nang makita sila Filotimo na nakaupo sa sofa katabi ng kama na kinahihigaan ko.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin. "Princess?! Aba't bakit ka bumangon!" Natatatantang hiniga ulit ako ni Hero.

Nagtatakang humiga na lang ulit ako.

"B-Bakit kayo nandito? S-Saka nasaan ako?" kunot-noong tanong ko.

"Nandito ka sa bahay namin sa University, you passed out a while ago, you don't remember it?" tanong ni Ayce.

Passed out?

Hala! Oo nga pala!

"S-Si Froze? A-Ayos lang ba siya?" kinakabahang tanong ko.

"Ha? Oo ayos na ayos! Binubugbog niya nga yung may gawa niyan sa'yo--" Bigla na lang siyang binatukan nila Filotimo at Hero na ikinagulat ko.

"Ano? B-Binubugbog?" nalilitong tanong ko.

"W-Wala! Ang sabi ko, paparating na siya!" alanganin pang sabi niya.

Tumango na lang ako.

Maya-maya pa ay may narinig kaming bumukas na pintuan. Parang natarantang ewan ang mga kaharap ko.

"Sandali princess, sasalubungin lang namin. Baka beast mode na naman 'yon si Froze." Bigla na lang nila akong iniwan kahit hindi pa naman ako nakakasagot.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon